WARRIORS NALUSUTAN ANG JAZZ

NBA.jpg

NA-TIP IN ni Jonas Jerebko ang sablay na tira ni Kevin Durant, may 0.3 segundo ang nalalabi, upang tulu­ngan ang bumibisitang Golden State Warriors na maitakas ang 124-123 panalo laban sa Utah Jazz noong ­Biyernes ng gabi.

Ang basket ni Je­rebko ang nagtuldok sa rally mula sa 16-point third-quarter deficit para sa Warriors.

Nagbuhos si ­Durant ng 38 points, 9 rebounds at 7 assists upang ­pangunahan ang War­riors. Nagdagdag si Stephen Curry ng 31 points at 8 assists.

Nagtuwang ang duo ng Warriors ng 27-of-49 mula sa floor.

Umiskor si Joe Ingles ng 27 points, at nag-ambag sina Donovan Mitchell ng  19 at Jae Crowder ng 17 mula sa bench para sa Jazz.

WOLVES 131, CAVALIERS 123

 Gumawa si Jimmy Butler ng 33 points sa 10-of-12 shooting sa kanyang unang first home contest ng season upang iangat ang Minnesota Timberwolves laban sa Cleveland Cavaliers noong Biyernes ng gabi sa Minneapolis.

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 22 points at tumipa si Taj Gibson ng 13 points para sa Minnesota, na bumuslo ng 50.6 per-cent mula sa field at nagsalpak ng 33 of 35 free throws. Apat na iba pang players ang nagtala ng double digits. Sina Karl-Anthony Towns at Derrick Rose ay umiskor ng tig-2 points, at nagsalansan sina Gorgui Dieng at Anthony Tolliver ng 11.

RAPTORS 113, CELTICS 101

 Tumipa si Kawhi Leonard ng 31 points — 22 sa second half — at nagdagdag ng 10 rebounds nang igupo ng Toronto ang bumibisitang Boston.

Nagdagdag si Serge Ibaka ng 21 points para sa Raptors habang tumirada sina Kyle Lowry ng 15, Danny Green ng 14 at Fred VanVleet ng 11.

Nanguna si Kyrie Irving para sa Celtics na may 21 points, at tu­mabo si Jayson Tatum ng 16 points at 9 rebounds. Nagposte si Al Horford ng 14 points at 10 rebounds para sa Boston, habang kumamada si Gordon Hayward ng 14 points at nagdagdag si Jaylen Brown ng 13.

Sa iba pang laro: Pelicans 149, Kings 129; Bucks 118, Pacers 101;

Nets 107, Knicks 105; Clippers 108, Thunder 92; Hornets 120, Magic 88; Grizzlies 131, Hawks 117;