NAGBUHOS si Stephen Curry ng 45 points, kabilang ang dalawang late 3-pointers, upang sandigan ang Golden State Warriors sa 115-113 panalo kontra Los Angeles Clippers, Huwebes ng gabi sa San Francisco. Ito ang season opener ng Clippers.
Naghabol ang Warriors, sumandal sa momentum ng opening win sa Los Angeles laban sa Lakers noong Martes, sa 105-107 bago nagpasabog si Curry bombed ng 31-footer para sa one-point advantage, may 1:54 ang nalalabi.
Binigyan ni Eric Bledsoe ang visitors ng isang puntos na kalamangan sa isang layup, may 1:44 sa orasan, ngunit isinalpak ni Curry ang isa pang 3-pointer sa huling 57.7 segundo ng laro.
Naipasok ni Golden State’s Draymond Green ang pasa ni Andre Iguodala, may 11.6 segundo ang nalalabi, na nagbigay sa Warriors ng panalo sa kanilang home opener.
Nag-ambag sina Andrew Wiggins ng 17 points at Damion Lee ng 11 sa panalo. Nagdagdag si Green ng 10 points, team-high 7 assists at 6 rebounds.
Nanguna si Paul George para sa Clippers na may 29 points, at bumuslo ng 5-for-11 sa 3-point attempts. Nagtala rin siya ng team highs na 11 rebounds at 6 assists.
Tumapos si Bledsoe na may 22 points at nagdagdag sina Ivica Zubac ng 14, Terance Mann at Reggie Jackson ng tig-11 at Marcus Morris Sr. ng 10 para sa Los Angeles.
HEAT 137,
BUCKS 95
Sumandal ang Miami Heat, nagtala ng franchise record para sa pinakamaraming puntos sa isang season-opening game, sa 26-2 first-quarter run at 27 bench points mula kay Tyler Herro para sa 137-95 panalo kontra bisitang Milwaukee Bucks.
Nakakuha rin ang Miami ng 21 points mula kay Jimmy Butler at 20 points at game-high 13 rebounds kay Bam Adebayo.
Bumuslo ang Heat ng 53.1 percent mula sa floor at 42.9 percent sa 3-point attempts (15-for-35) laban sa 38.1 percent ng Bucks mula sa floor at 28.6 percent sa threes (12-for-42).
HAWKS 113,
MAVERICKS 87
Kumana si Trae Young ng 19 points at 14 assists upang pagbidahan ang Atlanta Hawks sa 113-87 panalo kontra bisitang Dallas Mavericks.
Ang resulta ng laro ay sumira sa debut ni Dallas head coach Jason Kidd, na pinalitan si Rick Carlisle ngayong summer.
Sa panalo ay naputol ang two-game losing streak ng Atlanta sa Mavericks. Ang Hawks ay 24-6 ngayon sa home magmula noong Feb. 21.
Tumipa si Cam Reddish ng 20 points sa 7-for-15 shooting at tatlong 3-pointers mula sa bench upang pangunahan ang Hawks.
Ang lahat ng limang Atlanta starters ay umiskor ng double figures. Nakalikom si John Collins ng 16 points at 9 rebounds; nagtala si Clint Capela ng 12 points, 13 rebounds at 2 blocks; at umiskor sina Bogdan Bogdanovic at Hunter ng tig- 11.
551618 720615Sweet site, super pattern , real clean and utilize genial . 233252