WARRIORS NATUSTA SA BLAZERS

WARRIORS VS BLAZERS

NAGPAKAWALA si Damian Lillard ng 29 points at naging sandigan ng Portland ang  late 16-0 run upang durugin ang bumibisitang Golden State, 129-107.

Nagdagdag si Jake Layman ng 17 points mula sa bench at walong players ang umiskor ng double figures para sa Trail Blazers, na pinutol ang five-game win streak ng Warriors.

Tumipa sina Kevin Durant at Stephen Curry ng tig-32 points para sa Warriors, na nagwagi ng 16 sa kanilang naunang 17 games. Naglaro ang Gol­den State na wala sina center DeMarcus Cou­sins at key reserves Andre ­Iguodala at Shaun Livingston na pinagpahinga.

NETS 148, CAVALIERS 139

Nanalasa si D’Angelo Russell sa ikatlong overtime sa pagkamada ng 14 sa kanyang 36 points upang pangunahan ang kulang sa taong Brooklyn Nets laban sa  host Cleveland Cavaliers.

Sinimulan ni Russell ang laro sa pagsablay sa 10 sa kanyang unang 11 shots, subalit 6 of 6 siya sa ikatlong overtime at tumapos na 13 of 30 mula sa floor.

Matapos na maipu­wersa ng Nets ang ikatlong overtime sa buzzer-beating 3-pointer ni DeMarre Carroll, gumawa si Russell ng mga play upang tulu­ngan ang Nets na putulin ang  four-game road lo­sing streak sa kanilang hu­ling laro bago ang All-Star break.

Nagbuhos si Jordan Clarkson ng game-high 42 points para sa Cleveland.

BUCKS 106, PACERS 97

Tumirada si Giannis Antetokounmpo ng 33 points, 19 rebounds at 11 assists para sa kanyang ika-5 triple-double sa season nang gapiin ng Milwaukee ang Indiana sa Indianapolis.

Gumawa si Malcolm Brogdon ng 17 points at nagdagdag si Khris Middleton ng 15, at naitala ng  Milwaukee ang ika-14 na panalo sa nakalipas na 16 games. Tangan ng Bucks (43-14) ang pinakamagandang record sa NBA papasok sa All-Star break.

Umiskor si Bojan Bogdanovic ng 20 points para sa Pacers, na naputol ang six-game winning streak. Nakalikom si Domantas Sabonis ng 14 points at 9 rebounds.

NUGGETS 120, KINGS 118

Nagsalansan si Nikola Jokic ng 20 points, 18 rebounds at 11 assists, at na-tip in niya ang kanyang sariling mintis, may 0.3 segundo ang nalalabi, upang ihatid ang host Denver sa panalo laban sa Sacramento.

Tumapos si Paul Millsap na may 25 points at 13 rebounds, at gumawa si Isaiah Thomas ng 8 points sa loob ng 13 minuto sa kanyang debut sa Denver.

Nagwagi ang Nuggets sa kabila ng pagkaka-eject kina coach Michael Malone at guard Malik Beasley, na tumapos na may 21 points.

Sa iba pang laro ay pinataob ng Celtics ang Pistons, 118-110; pinabagsak ng Timberwolves ang Rockets, 121-111;  pinaso ng Heat ang Mavericks, 112-101; ginapi ng 76ers ang Knicks, 126-111; namayani ang Raptors sa Wiazrds, 129-120; sinuwag ng Bulls ang Grizzlies, 122-110; at pinalubog ng Clippers ang Suns, 134-107.

Comments are closed.