NAGTALA sina bagong pinangalanang All-Star starters Stephen Curry at Andrew Wiggins ng pinagsamang 11 3-pointers at nagdagdag si Klay Thompson ng kanyang sariling lima upang pangunahan ang Golden State Warriors sa 124-115 panalo laban sa Minnesota Timberwolves sa San Francisco.
Kumana si Curry ng team-high 29 points, umiskor si Thompson ng 23 at tumipa si Wiggins ng 19 para sa Warriors, na nanalo ng apat na sunod at ika-5 sa anim sa nagpapatuloy na seven-game homestand.
Nagsalansan si Karl-Anthony Towns ng 31 points, 12 rebounds at 6 assists para sa Timberwolves, na hindi na nakasama si D’Angelo Russell sa third quarter dahil sa shin injury.
76ERS 105,
LAKERS 87
Kumubra si Joel Embiid ng 26 points, 9 rebounds, 7 assists at 2 blocked shots upang tulungan ang host Philadelphia 76ers na pataubin ang Los Angeles Lakers, 105-87.
Nagdagdag si Tobias Harris ng 23 points, habang nakalikom si Tyrese Maxey ng 14 points at 10 assists at nag-ambag si Georges Niang ng 14 points para sa Sixers.
Naglaro ang Lakers na wala si LeBron James dahil sa left knee soreness.
Nanguna si Anthony Davis para sa Lakers na may 31 points, 12 rebounds at 4 blocked shots, habang nagdagdag si Russell Westbrook ng 20 points. Kumabig din si Malik Monk ng 11 points.