NAGBUHOS si Klay Thompson ng 28 points sa kanyang pagbabalik mula sa one-game absence upang tulungan ang Golden State Warriors sa 115-101 panalo laban sa Los Angeles Lakers na muling hindi nakasama si LeBron James.
Nagmintis si Stephen Curry sa kanyang unang walong tira bago ang isang layup, may 6:20 ang nalalabi, at nagtapos pa rin na may 14 points, dalawang araw makaraang kumana ng 41 sa pagkatalo sa 76ers kung saan nagsalpak siya ng 10 3-pointers. Naipasok ni Andre Iguodala ang go-ahead 3 sa huling minuto ng third, at dalawa pa sa kaagahan ng fourth nang kumawala ang Golden State at tumapos na may 17 points.
Tumipa si DeMarcus ng 18 points at 10 rebounds sa kanyang ikalawang home game at ika-7 sa kabuuan magmula nang bumalik mula sa halos isang taong recovery mula sa surgery para sa ruptured left Achilles tendon. Nagdagdag si Kevin Durant ng 21 points at 11 sa 31 assists ng Warriors.
Ang hindi paglalaro ni James ay tinawag ni coach Luke Walton na ‘load management’. Ang four-time MVP ay nakahanda na para sa kanyang ikalawang laro buhat nang bumalik mula sa strained left groin subalit gumising noong Biyernes na masamang-masama ang pakiramdam matapos na maglaro ng 40 minuto sa 123-120 overtime win laban sa Clippers. Tumapos siya na may 24 points, 14 rebounds at 9 assists.
SPURS 113,
PELICANS 108
Tumipa si LaMarcus Aldridge ng 25 points at 14 rebounds upang tulungan ang San Antonio na magwagi laban sa New Orleans.
Nagdagdag sina Rudy Gay at Marco Belinelli ng tig-17 points para sa San Antonio.
Tumirada si Frank Jackson ng career-high 25 points upang pangunahan ang New Orleans.
ROCKETS 125, JAZZ 98
Nagpasabog si James Harden ng 43 points para sa kanyang 26th straight game na may hindi bababa sa 30 points sa panalo ng Houston kontra Utah.
Ang 30-point streak ni Harden ay third-longest sa kasaysayan ng NBA, kasunod ng streak na 65 at 31 games ni Wilt Chamberlain. Nagtala rin si Harden ng 12 rebounds, 6 steals, 5 assists at 4 blocks. Naipasok niya ang 12 of 22 mula sa field, nagsalpak ng 4 of 12 3-pointers, at naibuslo ang lahat ng kanyang 15 free throws.
Nagdagdag si Gerald Green ng 25 points, at tumipa si Kenneth Faried ng 16 points at 12 rebounds bago na-foul out, may 5:07 ang nalalabi. Pinutol ng Houston ang two-game losing streak.
BUCKS 131,
WIZARDS 115
Umiskor si Giannis Antetokounmpo ng 37 points, naipasok ang lahat ng kanyang season-high 17 free throws, at humablot ng 10 rebounds upang pangunahan ang NBA-leading Bucks laban sa Washington.
Dalawang laro ang angat sa Toronto para sa Eastern Conference lead, ang Bucks ay nanalo ng tatlong sunod, 9 of 10 at 20 of 24.
Nagdagdag si Brook Lopez ng 21 points, at gumawa si Khris Middleton ng 20.
Nanguna si Bradley Beal para sa Washington sa kinamadang 24 points.
Sa iba pang laro ay naungusan ng Nuggets ang Timberwolves, 107-106;
Ibinasura ng Mavericks ang Cavaliers, 111-98; dinispatsa ng Clippers ang Pistons, 111-101; ginapi ng Pacers ang Heat, 95-88; pinaamo ng Hornets ang Bulls, 125-118; dinagit ng Hawks ang Suns, 118-112; at namayani ang Magic sa Nets,
102-89.
Comments are closed.