NA-OUTSCORE ni Luka Doncic si Andrew Wiggins, 20-19, sa kanilang head-to-head matchup sa Game 1 ng Western Conference finals noong Miyerkoles ng gabi
Gayunman, walang duda kung sino ang nanalo.
Pinuwersa ni Wiggins ang Dallas Mavericks star sa kanyang pinakamababang output sa postseason, at bumanat ang Golden State Warriors ng balanced at high-percentage offensive attack tungo sa 112-87 panalo sa opener ng best-of-seven series sa San Francisco.
Nakatakda ang Game 2 sa Biyernes sa San Francisco, kung saan ang Golden State na magtatangka sa kanilang ika-6 na NBA Finals sa huling walong taon, ay 7-0 ngayong postseason.
“We did what we were supposed to do — protect home court, win the first game,” wika ni Warriors star Stephen Curry, ang leading scorer sa laro na may 21 points.
“We had a specific game plan coming in, and for the most part, we executed it. It’s going to take that same effort three more times to beat this team.”
Tampok sa game plan ang pagkontrol kay Doncic sa isang dulo at ang pag-atake sa kanya sa kabila. Pareho itong naging matagumpay.
May average na 29 points sa 46.9 percent shooting sa opening round kontra Utah Jazz, umangat si Doncic sa average na 32.6 points sa 47.6 percent shooting sa Western semifinals laban sa Phoenix. Gayunman, nitong Miyerkoles ay nalimitahan siya sa apat na puntos, mas mababa sa kanyang naunang low ngayong postseason habang naipasok ang anim lamang sa kanyang 18 shots.
Hindi siya nag-iisa sa kanyang offensive miseries.
Ang Mavericks ay bumuslo lamang ng j36 percent overall at 22.9 percent sa 3-point attempts, nagmintis ng 37 sa 48.
“They did a great job,” ani Doncic patungkol sa Warriors. “Of course we could do things better. In the first quarter, we had a lot of good looks. The second quarter, too. But not in the second half.”
Ang lahat ng pitong Warriors na naglaro na hindi bababa sa 13 minuto ay umiskor ng scored double figures, kung saan nakakuha sina Curry at Wiggins ng sapat na suporta. Nag-ambag si Jordan Poole ng 19 points, habang nakalikom si Klay Thompson ng 15, at tumipa sina Kevon Looney, Draymond Green at Otto Porter Jr. ng tig-10 points.