WARRIORS SA WC FINALS; CELTICS HUMIRIT NG GAME 7

BINIGYAN ni Andrew Wiggins ang Golden State ng kalamangan sa 3-pointer, may 6:29 ang nalalabi, at umusad ang Warriors sa Western Conference finals sa 110-96 panalo laban sa Memphis Grizzlies sa Game 6 ng kanilang first-round series nitong Biyernes sa San Francisco.

Nagbuhos si Klay Thompson ng game-high-tying 30 points, nagdagdag si Stephen Curry ng 29 at nadominahan ni Kevon Looney ang boards sa pagkamada ng career-high 22 rebounds para sa third-seeded Warriors, na nakabawi mula sa 39-point na pagkatalo sa  Game 5 sa Memphis.

Makakaharap ng Warriors, na nanalo ng tatlong kampeonato sa pagitan ng 2015 at 2018 ngunit hindi nakapasok sa playoffs sa nakalipas na dalawang seasons, ang top-seeded Phoenix o fourth-seeded Dallas sa Western finals. Magiging host ang Suns sa Mavericks sa decisive Game 7 sa Linggo.

Walang koponan ang umabante ng mahigit sa siyam na puntos sa dikit na unang tatlong quarters, kung saan tatlong beses na nagpalitan ng kalamangan ang dalawang koponan at dalawang beses na nagtabla bago isinalpak ni  Wiggins ang kanyang  go-ahead 3-pointer para sa 90-89 bentahe.

Nagdagdag sina Wiggins ng isang dunk, Curry ng 3-pointer at Draymond Green ng isang dunk mula sa assist ni Looney at naitala ng Golden State ang sumunod na pitong puntos upang umabante sa 97-89, may 5:04 ang nalalabi.

CELTICS 108,

BUCKS 95

Naiposte ni Jayson Tatum ang 10 sa kanyang game-high 46 points sa key fourth-quarter sequence at nagdagdag sina teammates Jaylen Brown at Marcus Smart ng key hoops nang gapiin ng Boston Celtics ang host Milwaukee Bucks para maipuwersa ang Game 7 sa kanilang Eastern Conference semifinal playoff series.

Tumapos si Brown na may 22 points at nag-ambag si Smart ng  21 para sa second-seeded Celtics.

Makaraang burahin ang late 14-point deficit upang kunin ang 3-2 lead sa best-of-seven sa panalo sa Boston noong Miyerkoles, ang third-seeded Bucks ay nabaon sa 70-84, may 11:25 ang nalalabi bago humabol.

Kumana si Giannis Antetokounmpo, ang leading scorer ng Bucks na may 44 points, ng three-point play, dalawang free throws at isang 3-pointer sa 11-1 burst na tumapyas sa Milwaukee deficit sa 85-81, may 8:42 ang nalalabi. Ngunit sa pagkakataong ito ay ang Celtics ang gumawa ng decisive late push.