WARRIORS SILAT SA PISTONS

piston vs warriors

NAGBUHOS si Blake Griffin ng 26 points at sinira ng Detroit Pistons ang pagbabalik ni Stephen Curry nang pataubin ang  Golden State Warriors, 111-102, noong Sabado ng gabi.

 Nagbalik si Curry makaraang lumiban sa 11 games dahil sa groin strain. Gumawa siya ng 27 points sa 10-of-21 shooting, at nagtala ng 3 of 9 mula sa 3-point range.

 Tumipa si Andre Drummond ng 16 points at 19 rebounds upang tulungan ang  Detroit na maiposte ang ika-5 sunod na panalo.

Umiskor si Kevin Durant ng 28 points para sa  Golden State, at nagdagdag si Klay Thompson ng 21.

RAPTORS 106, CAVALIERS 95

Kumabig si Kawhi Leonard ng 34 points, nagdagdag si Fred VanVleet ng  15 at naiposte ng Toronto ang ika-8 sunod na panalo sa kabila ng pagkawala ni All-Star guard Kyle Lowry.

Nag-ambag sina Danny Green at Pascal Siakam ng tig-15 points upang tulungan ang  Raptors na umangat sa  NBA’s best record sa 20-4. Ang To-ronto ay league-best 10-2 sa road.

Umiskor si Jordan Clarkson ng 18 points, at nakalikom si Tristan Thompson ng 18 points at 19 rebounds para sa Cavs.

ROCKETS 121, BULLS 105

Nagpakawala si James Harden ng anim na 3-pointers at tumipa ng  30 points upang pangunahan ang  Houston kontra Chicago.

Nagdagdag si Clint Capela ng 18 points at 15 rebounds, habang gumawa si Chris Paul ng  12 points at napantayan ang season high 13 assists sa kanyang ikalawang laro matapos lumiban sa tatlo dahil sa sore hamstring.

Nagtapos si Zach LaVine na may 29 points para sa Bulls.

CELTICS 118, TIMBERWOLVES 109

Nagpasabog si Gordon Hayward ng season-high 30 points, 9 rebounds at 8 assists upang tulungan ang Boston na gapiin ang Minnesota para sa ikatlong sunod na panalo.

Naitala ni Hayward ang 11 sa huling 15 points ng Boston sa huling 3 1/2 minuto ng laro at naibuslo ang apat sa limang tira mula sa 3-point range. Nagdagdag si Kyrie Irving ng 21 points at 9 assists, gumawa si Jayson Tatum ng 19 points at 9 rebounds, at kumamada si Marcus Morris ng 16 points sa 4-for-7 shooting mula sa 3-point range para sa Celtics.

Tumipa si Derrick Rose ng 26 points para sa  Timberwolves.

Sa iba pang laro ay ginapi ng Wizards ang Nets, 102-88; nau­ngusan ng Knicks ang Bucks, 136-134, sa OT; at nasingitan ng Kings ang Pacers,

111- 110.

Comments are closed.