WARRIORS SINILO ANG NETS

NBA.jpg

NAISALPAK ni Kevin Durant ang isang jumper, may 1:42 ang nalalabi, at nagdagdag si Stephen Curry ng 3-pointer pagkalipas ng 40 segundo, na naging tuntunguan ng Golden State Warriors upang mapigilan ang late rally ng host Brooklyn Nets para sa 120-114 panalo.

Tumapos sina Curry na may 35 points at Durant na may 34 nang maitala ng Golden State ang ika-4 na sunod na panalo.

Gumawa si D’Angelo Russell ng 25 points at nagdagdag si Caris LeVert ng 23 para sa Nets, na nalasap ang ikalawang sunod na talo.

Matapos ang hoop ni Durant na nagbigay sa Warriors ng 110-99 kalamangan, may 5:43 ang nalalabi, umiskor ang Nets ng sumunod na siyam na puntos upang makalapit sa dalawa, at hindi pinaiskor ang Golden State sa sumunod na 4:01.

Nag-ambag si LeVert ng dalawang baskets, kabilang ang isang 3-pointer.

Subalit tinapos ni Durant  ang Golden State drought sa pamamagitan ng isang jumper, at makaraang magmintis si Joe Harris sa 3-pointer sa kabilang dulo, muling binigyan ni Curry ang Warriors ng kaluwagan sa kanyang ika-7 3-pointer.

Bumuslo si Curry ng 7-for-15 mula sa 3-point range at 11-for-26 overall para sa Warriors, na sumalang sa magkasunod na road games sa New York at Brooklyn sa unang pagkakataon sa kanilang kasaysayan.

Naipasok ni Durant ang 11 sa kanyang 20 shots.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 18 points para sa Warriors, na tatapusin ang four-day, three-game trip sa Lunes sa Chicago.

THUNDER 117, SUNS 110

 Sa Oklahoma City, umiskor sina Paul George at Russell Westbrook ng tig-23 points, at nakopo ng Thunder ang kanilang unang panalo sa season.

Tumipa si Nerlens Noel ng 20 points at 15 rebounds para sa Oklahoma City, at nag-ambag si Patrick Patterson ng 17 points para sa Thunder.

JAZZ 113, MAVERICKS 104

Sa Dallas, naitala nina Rudy Gobert at De Andre Jordan ang kanilang ika-6 na sunod na double-doubles sa anim na laro ngayong  season upang pangunahan ang Utah laban sa Dallas.

Tumapos si Gobert na may 23 points at 16 rebounds, at kumana si Jordan ng 12 points, 4 for 4 from the line, 19 rebounds at  career-high nine assists.

Nalusutan ng Jazz ang 18 turnovers at kinuha ang five-point lead, 82-77, papasok sa fourth quarter.

Nagbuhos si Donovan ­Mitchell ng 20 points para sa Utah. Nagdagdag si Jae Crowder ng 15points at nagsalansan si Joe Ingles ng 12.  Naiposte ni Dennis Smith Jr. ang 21 sa kanyang  game-high 27 points sa second half.

Samantala, sinibak ng Cleveland Cavaliers si Tyronn Lue bilang kanilang coach at hinirang si assistant Larry Drew bilang interim head coach.

Ang Cavaliers ay may 0-6 simula na wala si LeBron James, na nilisan ang Cleveland ngayong summer para sa ikalawang pagkakataon sa kanyang career at pumirma sa Los Angeles Lakers bilang free agent.

Ginabayan ni Lue ang ­Cavaliers sa NBA title noong 2016 — ang unang pro sports championship ng Cleveland magmula noong 1964 — at tinulungan ang koponan sa apat na sunod na Finals.

Bukod kay Lue ay sinibak din si assistant coach Damon Jones. Isang dating Cavaliers player, si Jones ay kapo-promote pa lamang noong offseason.