WARRIORS UNGOS SA PACERS

NAKUHA ni Kevon Looney ang loose ball makaraang magmintis si Stephen Curry sa potential record-tying 3-point attempt at kumana ng tiebreaking layup, may 13.4 segundo ang nalalabi, na nagbigay sa Golden State ng 102-100 panalo kontra Indiana sa Indianapolis nitong Lunes.

Matapos na bumuslo ng dalawang 3-pointers lamang habang naghahabol ang Warriors sa 55-47 sa halftime, si Curry ay tumapos na  5-for-15, na nagbigay sa kanyang career ng 2,972. Kailangan na lamang niya ng isa para mapantayan ang record ni Ray Allen sa Martes sa New York. Kumubra si Curry ng 26 points para sa Warriors.

Nanguna si Domantas Sabonis sa lahat ng scorers na may 30 para sa Pacers, na naputol ang three-game winning streak.  Nakumpleto ni Sabonis ang double-double na may game-high 11 rebounds.

NUGGETS 113, WIZARDSA 107

Nagsalansan si Nikola Jokic ng 28 points, 19 rebounds at 9 assists bago na-eject, umiskor si Monte Morris ng 22 points at ginapi ng host Denver Nuggets ang Washington Wizards, 113-107.

Tumipa si Aaron Gordon ng 16 points at nagdagdag si Jeff Green ng 13 para sa Nuggets, na tangan ang 33-point lead sa third quarter. Napatalsik sa laro si Jokic sa kalagitnaan ng fourth period makaraang kuwestiyunin ang mga tawag ng dalawang referees.

Tumirada si Davis Bertans ng 21 points, nagtala si Bradley Beal ng 19 points at 10 assists at nagdagdag si Aaron Holiday ng 18 para sa Washington.

Naglaro ang Wizards na wala si  Kyle Kuzma dahil sa health at safety protocols. Lumiban naman sa Nuggets sina JaMychal Green (ankle) at Will Barton (non-COVID illness).

Sa iba pang laro: Grizzlies 126, 76ers 91; Mavericks 120, Hornets 96; Cavaliers 105, Heat 94; Celtics 117, Bucks 103; Rockets 132, Hawks 126; Raptors 124, Kings 101.