NAGTALA si Stephen Curry ng 22 points, 8 assists at 7 rebounds upang tulungan ang Golden State Warriors na maitakas ang 100-92 panalo laban sa host Portland Trail Blazers nitong Huwebes, na lumikha ng three-way tie sa ika-8 puwesto sa Western Conference.
Umiskor si Jonathan Kuminga ng 19 points at nagdagdag si Andrew Wiggins ng 15 para sa Golden State na nagwagi sa ika-9 na pagkakataon sa 10 games. Sa panalo ay nanatiling buhay ang Warriors para sa isang puwesto sa No. 7 vs. No. 8 game sa Western Conference play-in round. Ang Golden State, Sacramento Kings at Los Angeles Lakers ay may magkakatulad na record, may dalawang regular-season games ang nalalabi.
Hindi naglaro sina Golden State standouts Klay Thompson at Draymond Green dahil sa right knee injuries.
Nakakolekta si Deandre Ayton ng 25 points at 11 rebounds at tumapos si Scoot Henderson na may 18 points at 12 assists para sa Portland, na natalo sa ika-13 pagkakataon sa 15 games. Nagdagdag si Jabari Walker ng 17 points at 16 rebounds.
Pelicans 135,
Kings 123
Gumawa sina CJ McCollum at Zion Williamson ng tig- 31 points at pinataob ng New Orleans ang host Sacramento para sa krusyal na panalo sa Western Conference playoff race.
Nag-ambag si Trey Murphy III (27 points) ng tatlong 3-pointers at tatlong free throws sa 34-11, game-opening run para sa Pelicans, na napanatili ang one-game lead laban sa Phoenix Suns sa karera para sa West’s sixth at final guaranteed playoff spot, may dalawang laro na lamang ang nalalabi.
Salamat sa game-opening flurry, ang Pelicans ay hindi nalamangan sa laro at nakumpleto ang pambihirang five-game, season-series sweep kontra Kings. Nagbuhos si De’Aaron Fox ng game-high 33 points para sa Sacramento.
Bulls 127,
Pistons 105
Humataw si DeMar DeRozan ng 39 points upang pangunahan ang bisitang Chicago sa panalo kontra Detroit, at ipinalasap sa Pistons ang kanilang franchise-record 67th loss sa season.
Ipinasok ni DeRozan ang 14 sa kanyang 22 field-goal attempts, kabilang ang 4 of 6 mula sa 3-point range, at isinalpak ang lahat maliban sa isa ng kanyang walong free-throw tries para sa Bulls. Ang Chicago ay nasa No. 9 seed sa Eastern Conference, may dalawang laro ang nalalabi at magiging host sa No. 10 seed Atlanta sa play-in tournament sa susunod na linggo.
Kumabig si Jalen Duren ng 20 points at 11 rebounds para sa Pistons, na natalo ng anim na sunod at winasak ang franchise mark na naitala ng 1979-80 team. Umiskor din si Marcus Sasser ng 20 points.
Knicks 118,
Celtics 109
Kumamada si Jalen Brunson ng game-high 39 points upang tulungan ang bisitang New York na gapiin ang Boston at hilahin ang kanilang winning streak sa tatlong laro.
Nanatili ang Knicks sa third place sa Eastern Conference standings, isang laro sa likod ng Milwaukee Bucks. Nakopo ng Celtics, na natalo ng dalawang sunod, ang No. 1 seed sa East.
Nagdagdag si Donte DiVincenzo ng 17 para sa Knicks, na nakakuha ng 16 points at 16 rebounds mula kay Josh Hart. Nanguna si Jayson Tatum para sa Boston na may 18 points at 7 assists.
Jazz 124,
Rockets 121
Tumirada si Luka Samanic ng season-high 22 points at tumipa si Keyonte George ng 20 at pinutol ng short-handed Utah ang 13-game losing streak sa panalo kontra Houston sa Salt Lake City.
Sa gabing na-sideline ang pito sa rotation players ng Utah para sa iba’t ibang kadahilanan, pitong iba pang Jazz players ang nag-step up upang umiskor ng double figures sa home finale ng koponan.
Nanguna si Fred VanVleet sa lahat ng scorers na may 42 points, subalit natalo ang Rockets sa ika-6 na pagkakataon sa pitong laro. Kapwa nagmintis sina VanVleet at Dillon Brooks sa game-tying 3-point attempts sa waning moments.