NAGSAGAWA ng send-off ceremony sa Pier 13, South Harbor, Manila ang liderato ng Hukbong Dagat bilang hudyat ng paglalayag ng Landing Dock Ship, BRP Davao Del Sur (LD-602) na may Helicopter Detachment Afloat (HDA) para sa isang official port visit at sumali sa Naval Parade kasabay ng pagdaraos ng Russian Day sa Vladivostok, Russia.
Pangungunahan ni Navy Captain Richard Gonzaga ang Naval contigent na binubuo ng 300 strong sailors and marines mula sa iba’t ibang yunit ng Navy kabilang ang air detachment, special operations and training.
Pinamunuan ni Chief of Naval Staff, Philippine Navy, Rear Admiral Loumer Bernabe ang send-off ceremony. At inaasahang darating ng Russia ang Navy contingent sa Hulyo 24 sa Vladivostok, Russia.
“This is a follow-up of our first port visit last year which hopes to broaden our horizon on capacity building and another opportunity for us to continue and strengthen our bilateral military cooperation and diplomatic relationship with the Russian Federation and other counterparts as well as an avenue to explore resolutions on issues and concerns mutual to all maritime countries,” ayon kay Bernabe.
Nabatid na noong nakalipas na taon ay itinala ng Philippine Navy sa kanilang kasaysayan ang kauna-unahang port visit sa Russia na sinaksihan ng mga mamahayag kasama ang mula sa PILIPINO Mirror. Inaasahang masasabak ang PN sailors and marines sa iba’t ibang activities bukod sa pagsali sa Russian Navy sa Vladivostok, at pagbisita sa Russian
Nakatakda ring bisitahin ng navy contingent ang isang Russian Submarines at pagsali sa gaganaping Russian Navy Day Fleet Review. VERLIN RUIZ