PINALAGAN ng Malakanyang ang report ng isang US-based non-government organization na nagbansag sa Filipinas na ‘warzone in disguise’, at inihanay ang bansa sa Syria, Afghanistan, Yemen at Iraq.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ignorante at bias ang grupong Armed Conflict Lo-cation and Event Data Project matapos ilabas ang kanilang 2018 report na tinaguriang isang “warzone in disguise” ang Filipinas.
Ibinatay lamang umano ng nabanggit na NGO ang kanilang report sa alegasyon ng mga grupong bumabanat sa administra-syong Duterte at wala namang maipakitang patunay na nag-imbestiga ang mga ito sa Filipinas.
“It is reasonable to believe that its conclusions is based on allegations made by groups that are hope-lessly and blindly critical of the Duterte administration. These includes Human Rights Watch, Amnesty International, as well as partisan media outfits like Rap-pler, Philippine Daily Inquirer, New York Times and Reuters, among others,” ayon kay Panelo.
Sinabi nito na mapanlinlang ang report dahil pinalalabas na isa ang Filipinas sa mga pinakamapanganib na bansa dahil sa pi-nalakas na kampanya kontra sa ilegal na droga.
Kung itinuturing na peligroso ang Filipinas, ito ay hindi para sa mga inosenteng sibilyan kundi para sa drug manufacturers, dealers, drug addicts, criminals, terrorista, mga tiwali at mga abusadong taong nasa kapangyarihan.
“Make no mistake about it, the Philippines is a dangerous country to drug manufacturers, dealers, ad-dicts, criminals, terrorists, scoundrels, corrupt and abusive persons in authority,” aniya pa rin.
Sa kabila ng negatibong report, ipinagmalaki ng Malacañang na ang Filipinas ang isa sa pinakamalayang bansa sa buong mundo dahil ang media at mga kritiko ay malayang nakakapuna at nakakabatikos sa administrasyon.
Comments are closed.