WASHINGTON BALIK-TNT

on the spot- pilipino mirror

NAGPASIKLAB si Thirdy Ravena sa laban ng Gilas kontra Qatar. Umariba si Ravena nang manalo ang tropa ni coach Yeng Guiao. Hindi man nakapagpatuloy sa paglalaro ang manong niyang si Kiefer sa Gilas, ang batang Ravena ang mag-tatayo ng kanilang pangalan.

Ngunit matatapos na rin ang suspensiyon ng FIBA kay Kiefer. Ngayong Agosto ay  makababalik na rin siya. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang at ngayon ay malapit nang matapos ang 18-month suspension ng player. Maraming tiniis si Kiefer, ma­raming nawala sa kanya. Basta may kinalaman sa basketball ay hindi siya puwedeng pumunta.. Pero tsika naming, tuloy pa rin ang sahod nito sa NLEX  Road Warriors.



Balik-TNT KaTropa itong si Jay Washington pagkatapos siyang bitiwan ng Rain or Shine. Bago naman siya pinakawalan ng koponan ay kinausap siya ni team owner Raymund Yu at ng PBA Governor nilang si Atty. Mamerto Mondragon. No hard  feelings, kasi nga may pagkukulang din naman si Jay dahil hindi agad ito nakauwi ng Pinas kung saan nagsimula nang mag-ensayo ang Elasto Painters. Blessing naman dahil pagkatapos siyang i-release ng ROS ay kinuha siya agad ng TNT para sa karagdagang lakas ng koponan. Si Washington ay original player ng TNT. Taong  2005 nang hugutin siya ng team sa draft.



Posibleng na-stress ang volley player na si Eya Laure. Bakit ka n’yo, kasi hinahanap sa kanya ang husay ng laro ng kanyang ate na si EJ Laure na nasa bakasyon pa dahil sa injury. Sa totoo lang ha, kung susuriin ay parang nakikita ko na mas mahusay pa nga si Eya kaysa sa kanyang ate EJ. Maganda ang ipinakikita ni Eya sa UST.  Very proud parents, si­yempre, si ex-PBA player Eddie Laure at ang kanyang wife na si Jovey Laure.

Ang isa pang namamayagpag na anak ni Eddie ay itong si Echo. Gumagawa ito ng pangalan sa la­rangan ng basketball. Suwerte sa mga anak sina Laure at Ravena.



Very supportive na kapatid si Marc Pingris. Dapat sana ay imbitado siya  sa okasyon namin. Never itong tumanggi kapag kailangan namin siya. Dapat sana ay pupunta si Marc subalit nakadisgrasya ang kapatid niya sa Pangasinan na kailangan niyang puntahan. Hanga kami sa kanya dahil kahit sikat na sikat ang player ay hindi pa rin siya nagbabago. Nabago lang ang pagkatao niya, naging maayos ang buhay nila ng kanyang pamilya. Napagawa niya ng magandang bahay ang nanay nito. Pero ang ugaling probinsiyano, siyang-siya at down to earth pa rin. God Bless!

Comments are closed.