WASTE MANAGEMENT HUWAG IISANTABI SA PANAHON NG PANDEMYA

Senadora Cynthia Villar-8

HINDI dapat iisantabi  ang waste management  bagkus kailangan itong bigyang prayoridad upang maiwasan ang paglaganap ng mga sakit  ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang inihayag ni Senador Cynthia Villar. “We all know that a clean environment is a healthy environment. Improperly disposed wastes can cause infection and contamination. So, we should to take proper waste disposal and management even more seriously,” ayon kay Villar, chairman ng Senate Committee on Environment and Natural Resources.

Binigyan diin ng senadora na  makatutulong din ang recycling ng recyclable wastes sa panahon ng community quarantine.

Sinabi ng mga eks­perto na mahalaga ang recycling efforts sa oras ng pandemic at pagkatapos nito.

“Proper waste management becomes even more crucial now during quarantine or lockdown because some waste collection services are discontinued or disrupted. But the amount of wastes produced continues to increase,” ani Villar na nakapagpatayo ng 3,000 livelihood projects sa buong  kapuluan sa pagproseso ng solid waste sa pamamagitan ng  paggamit  nila ng raw materials.

Ang mga ito ay water hyacinths para sa waterlily handicraft-weaving enterprise at handmade paper factory, waste coconut husks para sa  coconet-weaving enterprise at  charcoal-making factory, kitchen at garden wastes sa organic fertilizer composting facility at plastic wastes sa waste plastic recycling factory na gumagawa ng school chairs.

Sa coconet weaving enterprises, ginagawang coconets, organic fertilizers at charcoal brisquettes ang bunot ng niyog. Gamit ang decorticating machine, kinukuha ng mga manggagawa ang fiber at coco peat mula sa bunot na gamit sa coconet. Inihahalo ang coco dusts sa household wastes para gumawa ng organic fertilizers na ibi­nibigay nang libre sa mga magsasaka at urban gardeners.   Nakakukuha ang decorticating machine ng fiber at dust mula sa aabot sa 8,000 waste coconut husks araw-araw.

Itinayo rin ni Villar ang vermicomposting facility sa mga barangay na kumokolekta sa kitchen at garden wastes na dinadala sa composting facility. Sa ngayon, may 80 composters na ginagamit ng 80,000 households.

Tinugunan din nito ang lumalalang suliranin sa plastic pollution sa pag-recycle ng plastic wastes.

Base sa pag-aaral ng University of Georgia,pangatlo ang Filipinas, kasunod ng China at Indonesia (sa 192 bansang sinurvey),  sa may pinakamaraming  plastic wastes ng populasyon. VICKY CERVALES

Comments are closed.