WASTE SEGREGATION HIHIGPITAN SA MAYNILA

Isko Moreno

NANAWAGAN si Manila Mayor Isko Moreno sa may 896 na barangays sa lungsod na istriktong ipatupad ang  waste segregation scheme  o paghiwahiwalay ng basura.

Ayon kay Moreno, malaking tulong ang waste segregation na magsisimula sa bawat tahanan upang matiyak na hindi mauuwi sa Manila bay o esteros ang mga basura na magdudulot ng pagbaha.

Kaya’t apela ng alkalde sa lahat ng mga barangay official na paigtingin pa ang kampanya sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura.

“Meron tayong programa na turuan at obligahin ang mga barangay at kabahayan na mag-segregate ng basura alinsunod din sa Republic Act 9003. Nagagawa naman po ng iba lalo na sa district 4,5,6 dahil sila po ang ating inuna sa malawakang Information, Education and Communication (IEC) campaign,” ani City Public Services Director Kenneth Amurao.

Sinabi nito, medyo nawala ang momentum ng project noong mag-order ng mass clearing operations ang Department of Interior and Local Government  dahil sa nagsabay-sabay ang naturang operasyon na kung saan ay binigyang prayoridad ang paghahakot ng lahat ng uri ng basura at kalat pati debris sa Maynila. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “WASTE SEGREGATION HIHIGPITAN SA MAYNILA”

Leave a Reply

Your email address will not be published.