Wastong pagpapalaki

SABONG NGAYON

THE MOST critical stage during upbringing ng ating mga alagang manok ay ‘yung day 1 pagkapisa hanggang anim na buwan ang edad kung saan dito naka-focus ‘yung pagtangkad.

“Pagdating ng 7-8 months old ay tigil na ‘yung pagtangkad nila at ‘yung nutrients na nakukuha nila sa kanilang tinutuka ay napupunta na sa body conformation kaya ang ideal age ng stag para ilaban ay 9 months old, peak/kalakasan niya iyan at ang pullet/dumalaga naman ay kagandahang i-breed 9-10 months old,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Sa edad na 3 months old dapat hinaluan na ng pakaunti-kaunting grains at pellets para ma-exercise na ‘yung gizzard o balunbalunan kasi kung hindi po gumagana ang gizzard sila ay lumalalaki na ampaw o lambutin. Kaya nga ibinigay ng Diyos ‘yung gizzard ay para gamitin,” dagdag pa niya.

Sa pagpapalahi ng manok panabong, dapat tayo mismo ang nakakaalam kung anong linyada nakapaloob sa materyales na gagamitin natin kaya napakahalaga ng ilista, recording at markings para masusubaybayan natin.

“Sadya po ang pag-breeding ay tumataya ka diyan kasi walang kasiguruhan kung ano ang lalabas pero ibang tayaan ang quality na linyada na naaayon sa iyong panlasa at dapat kaya mong ipaliwanag kapag may nagtanong ng bakit,” ani Doc Marvin.

“Kung nanalo na po kayo sa inyo pamamaraan ay ituloy n’yo lang at huwag nang baguhin pa. Dapat mag-set ka talaga ng target at standard para kung anuman ang lumabas/offspring, maganda or hindi maayos, at least kursunada mo at wala ka nang sisihin pa,” dagdag pa niya.

As a breeder dapat tayo ang nakakaalam kung ano ang mga nilalaman at nakapaloob na linyada na ating pinapalahi kaya napakahalaga ng recording, ilista lahat ng mating natin per season.

“Kapag sinabi na base bloodline ay iyon ang main na linyada na nakapaloob anuman ang hitsura na lumabas na anak sa iyong mating/pinagpares,” ani Doc Marvin.

“Dapat po may naka-set ka na target at dapat kaya mo ipaliwanag kapag may nagtanong ng salitang bakit. Anumang mahal ng presyo at super galing ng isang manok, ito po ay natatalo pa rin!” dagdag pa niya.

Comments are closed.