WASTONG PAGPAPALAKI

SABONG NGAYON

THE most critical stage during upbringing o pagpapalaki ng ating mga alagang manok ay ‘yung day 1 pagkapisa hanggang 6 na buwan ang edad kung saan dito naka-focus ‘yung height.

“Pagdating ng 7-8 months old ay tigil na ‘yung pagtangkad nila at ‘yung nutrients na nakukuha nila sa kanilang tinutuka ay napupunta na sa body conformation kaya ang ideal age ng stag para ilaban ay 9 months old peak niya iyan at ang pullet naman ay kagandahan i-breed 9-10 months old,” ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Sa edad na 3 months old dapat hinaluan na ng pakaunti-kaunting  grains at pellets para ma-exercise na ‘yung balunbalunan kasi kung hindi po gumagana ang gizzard sila ay lumalalaki na ampaw o lambutin,” dagdag pa niya.

Sa pagpapalahi ng manok panabong, dapat po ikaw mismo ang nakakaalam kung anong linyada nakapaloob sa materyales na gagamitin mo kaya napakahalaga ng recording at markings para iyong masusubaybayan.

“Sadya po ang pag-breeding ay tumataya ka diyan kasi walang kasiguruhan kung ano ang lalabas pero ibang tayaan ang quality na linyada na naaayon sa iyong panlasa at dapat kaya mong ipaliwanag kapag may nagtanong ng BAKIT,” ani Doc Marvin.

“Kung nanalo na po kayo sa inyo pamamaraan ay ituloy ninyo lang at huwag na baguhin pa. Dapat mag-set ka talaga ng target at standard para kung anuman lumabas/offspring maganda or hindi maayos at least kursunada mo at wala ka nang sisisihin pa. Madali humanap ng super galing na manok pero hinding-hindi ka makakakita ng siguradong mananalo!” dagdag pa niya.

Sa pagpili po ng gagamiting inahin sa pagpapalahi kung ayos na sa standard natin ang physical appearannce, phenotype ang pinaka-importante para kay Doc Marvin, or pinakahuli tinitingnan niya, aniya, ‘yung paglalakad kung ito ba ay balansiyado, kaya dapat po sila ay palagi nating palalakarin.

“Ang inahin na nakakatayo na gamit ay isang paa (steady) lang para sa akin ay nag-aanak ng magaling ang panimbang o balanse. Bakit ‘di mo subukan tumindig na gamit ay isang paa lang!” dagdag pa ni Doc Marvin.

Comments are closed.