WASTONG PASAHOD SA OBRERO

sahod

IPINAPANALANGIN ng pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Davao Archbishop Romulo Valles ang lahat ng manggagawa sa bansa lalo na sa pagdiriwang ng Labor Day bukas, Mayo 1.

Ayon kay Valles, kabilang sa kanyang mga ipinagdarasal na mabigyan ng wastong pasahod ang bawat manggagawa bilang pagkilala sa kanilang paggawa at pagpapahalaga ng pagkatao.

“We pray that workers would be given the just due their compensation and their families would enjoy the fruits of their labor and all humanity,” ani Valles, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Tiniyak rin ni Valles na kinikilala ng Simbahang Katoliko ang ambag ng mga manggagawa sa pag-unlad ng lipunan, komunidad at maging sa ekonomiya ng bansa.

“The Church recognizes the dignity of labor that its conribution to life, to society and the development of peoples,” ani Valles.

Dalangin pa ni Valles na maunawaan ng mga manggagawa na ang kanilang pang araw-araw na paggawa ay bilang pakikiisa sa gawain ng Panginoon sa sanlibutan kaya’t mahalagang ialay ito sa Diyos bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa bawat indibidwal.

“We continue to pray that workers especially those workers who use their physical strength but more so today also people using their brains, they work, they contribute that they (laborers)will always see their work as participation of Gods’ creative work; The work of creation the unfolding of Gods’ gifts in us,” ani Valles. ANA ROSARIO HERNANDEZ