WATANABE TODO ENSAYO SA JAPAN

Kiyomi Watanabe

MAGAWA kaya ulit ni Kiyomi Watanabe ang malakidlat na panalo laban kay Oraphin Senatham na pinasuko niya sa loob lamang ng 24 segundo sa opening round sa Southeast Asian Games sa Malaysia?

Kumpiyansa si Judo President Dave Carter na kaya itong ulitin ni Watanabe dahil world class ang kanyang kalibre.

“It was an amazing performance which she won in lightning fashion in just 24 seconds of the opening round. Her quick victory is record in the SEA Games,” sabi ni Carter.

“Magaling at malawak ang karanasan ni Watanabe kumpara sa kanyang mga kalaban sa SEA Games. Naglaro ang Fil-Jap sa malala­king judo tournaments at dalawang beses lumaban sa World Judo kung saan nanalo siya ng pilak sa Austria at tanso sa France. Naniniwala ako na kaya niya itong gawin ulit,” ani Carter.

“Hindi siya nagpapabaya sa kanyang training sa Tokyo sa gabay ng kanyang personal Japanese coach na si Yazaki Yuta. She is prepared and determined  to defend her title. Regular kong minomonitor ang kanyang training sa Tokyo,” wika ni Carter.

Bukod sa SEA Games, pinaghahandaan din ni Watanabe ang Olympic Games na gagawin sa Tokyo.

“Watanabe is our best bet in the Olympics. Sana magtagumpay siya sa dalawang torneo na sasalihan niya,” sambit  ni Carter.

Unang nakapansin kay Watanabe si dating PSC Commissioner Jose Luis Gomez sa 2013 SEA Games sa Myanmar kung saan tinalo niya la-hat ang mga kalaban tungo sa pagsipa ng ginto. Dinomina ni Watanabe ang kanyang division sa tatlong SEA Games sa Singapore, Malaysia at Filipinas.

“I admire this girl. She has natural talent in judo. If given the needed support and assistance, malaki ang pag-asa na makapasok siya sa Olympics,” sabi ni Gomez.

Sasamahan si Watanabe ng kanyang Japanese coach na si Yazaki Yuta sa una niyang paglaban sa Vietnam at nakahannda ang Fil-Jap na ipagtanggol ang kanyang korona sa 63 kg. na kanyang dinomina mula noong 2013 sa Myanmar.

Sinabi ni Carter na malamang na makapaglaro si Watanabe sa Olympics dahil maraming bansa ang apat ang entries, ayon sa ruling ng International Judo Federation.

“Most likely Watanabe will make it to the Olympics because other countries have four entries. Based on the ruling of IJF, each country has only one entry in each division. Kaya pasok si Watanabe sa required slots,” paliwanag ni Carter. CLYDE MARIANO

Comments are closed.