SABAY-SABAY na itinaas ang watawat ng Filipinas kahapon ng umaga sa pagdiriwang ng ika-121 Araw ng Kalayaan.
Sa ganap na alas-8 ng umaga, pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang flag raising sa Luneta Park kasama sina Mayor Erap Estrada at iba pang lokal na opisyal ng Maynila.
Si House speaker Gloria Macapagal Arroyo naman ang nanguna sa pagtaas ng watawat sa makasaysayang Barasoain Church at si Chief Justice Lucas Bersa-min naman sa monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan City.
Pagdating naman ng alas-2 ng hapon, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa kampo ng 103rd brigade sa Lanao Del Sur.
Bukod sa sabay-sabay na pagtaas ng mga bandila, naging bahagi rin ng selebrasyon ang kabi-kabilang job fair na sinusulong ng Department of Labor. DWIZ 882
Comments are closed.