NAGHAHANAP ng matibay na pang-VP para sa 2022 ang ‘tribung dilawan.’
Opkors, pang-tandem nila kay Ma’am Leni.
Kaya biglang sumulpot, Suki, ang Leni-Ping sa eksena ng giyera laban sa droga.
Suspetsa ko lang ‘yan, Suki.
Nang gumulong sa mga batang media ang si-nasabing pag-uusap ng dalawa sa isyu ng droga.
Si Ma’am Leni ang principal.
Si Senador Ping ang adviser.
Pero si Ma’am Leni ang humingi ng tulong kay aydol Ping nang mahirang siyang isa sa dalawang namumuno sa giyera laban sa droga.
Likas na matulungin si aydol Ping kaya ang kuwento’y masayang nagkahuntahan ang dalawang bigatin sa gobyerno.
Natural lang, Suki, na sensitibo ang detalye ng kanilang one-on-one kaya walang gaanong ‘linamnam’ ang lumabas na ulat tungkol sa ka-nilang napag-usapan.
Maliban sa isang banner headline ng isang malaking diaryo:
PING KAY LENI: WATCH YOUR BACK!
oOo
Sarkastik si Pangulong Duterte nang kanyang ialok ang anti-drug job kay Ma’am Leni.
Napikon na kasi si Boss Digong sa pambatikos ng kanyang bise sa programa ng gobyerno laban sa pananalasa ng narkotiko sa lipunan.
Tipong… “masyado kang magpuna, o ikaw na”
Ang siste, Suki, ay tinanggap naman.
Kaya sa ngayon ay hindi kumukurap ang lahi ni Juan sa pag-aabang kung ano ang mga susunod na kabanata sa buhay ni Ma’am Leni bilang ta-gasupil ng mga ulupong na mangangalakal ng droga.
Ano ang latest? Eh, ang mungkahi nga ng kanyang partner na si Gen. Aaron Aquino ay personal nilang pangunahan ni Ma’am Leni ang aktuwal na operasyon laban sa mga malalaking tulak.
Derpor, sa mga drug buy bust ay dapat daw masaksihan nang personal ng bise presidente ang mga tunay at totoong kaganapan sa pagsupil ng mga hunghang na tulak ng droga.
Para sa akin, Suki, ay tama lang na maranasan ni Ma’am Leni ang tinawag na eye-to-eye contact sa mga kriminal bago niya sabihing dapat ay wa-lang dugo ang gagawing kampanya laban sa droga.
Balikan ko lang, Suki, ang suspetsa ko na ipinapares ng dilawan si Sen. Ping kay Ma’am Leni:
Tiyak na ok sa senador basta siya ang pangulo.
Comments are closed.