WATER BILL ILIBRE NG 1 BUWAN

maduming tubig

INIHIRIT ng Bayan Muna Partylist sa Manila Water at Maynilad na huwag nang singilin ang isang buwang konsumo ng tubig ng mga consumer.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carloz Zarate, hindi pa nakakabawi ang publiko sa problemang idinulot ng bill shock ng Meralco at ngayon ay susundan pa ng water bill shock dahil sa mataas ding singil sa tubig.

Kaya’t pinatitiyak nito, bago maningil sa tubig ay dapat nabasa na ang metro ng mga consumer  upang tama ang halaga at konsumo na kanilang maitatala sa billing statement.

Giit pa ng kongresista, tulong na lamang ito ng dalawang kompanya lalo na sa mga mahihirap na pamilya na nawalan ng trabaho o naapektuhan ang kita bunsod ng lockdown dahil sa CO­VID-19.

Pinuna pa na napakalaki na ng tubo ng water concessionaires sa singil sa tubig sa mga nakalipas na taon kahit pa maraming beses na palpak ang kanilang serbisyo. CONDE BATAC

2 thoughts on “WATER BILL ILIBRE NG 1 BUWAN”

  1. 7907 352857Pay a visit to our website for details about securities based lending and a lot more. There is info about stock and equity loans as well as application forms. 392893

Leave a Reply

Your email address will not be published.