BUNSOD ng sumisirit na heat index o damang init, ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) water break at buddy system sa kanilang mga tauhan lalo na ang nasa operation division at mga nakadeploy sa indoor areas sa pampublikong lugar.
Ayon kay PNP Public Information Office and Spokesperson Col. Jean Fajardo, layunin nito na pangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga tauhan, alinsunod na rin sa atas ni PNP Chief Gen Rommel Francisco Marbil.
Ang water break ay paglalaan ng tukoy na haba ng oras upang makainom ng tubig at magpahinga mula sa sikat ng araw ang mga bulis.
Habang buddy system ay pamamaraan na magbabantayan ang mga pulis na sabay na naka-detail sa lugar at partikular na magkaka-alalayan sakaling kung may naramdaman ang isa, ang kasama ang agad na magpapalaalam sa PNP Health Service.
Ginawa ng PNP hakbang kasunod na sumisirit ng heat index o damang init gaya sa Dagupan, Pangasinan na pumalo sa 44 degrees Celsius habang magugunitang pumalo na rin sa 46 degrees heat index sa Daet, Camarines Norte noong Abril 6.
Tiniyak naman ni Fajardo na nakaalerto ang PNP Health Service kung sakaling mangailangan ng atensyon medikal ang kanilang mga tauhan
Nagbaba na rin ng direktiba ang ang liderato ng PNP sa kanilang mga regional director at field commander na tiyakin na ligtas ang kanilang mga tauhan mula sa heat stroke.
Habang hinahayaan din ang mga pulis na sumilong kapag katirikan ng araw.
Hindi naman sila pinagbabawalan sumilong lalo at nasa katirikan ng araw at paalala ng ating Health Service na umiikot ngayon para tingnan yung mga kundisyon ng mga pulis natin, although sa mga police posts, mga pads ay naglagay na tayo doon ng mga water bottle, water canister and water gallons ay para from time to time makainom sila but yung mga pulis ang lagi natin paalala to remain hydrated para hindi sila magkasakit ,” ani Fajardo.
Pagdiriin pa ni Fajardo na kasama sa priyoridad ng PNP ang moral and welfare ng kanilang mga tauhan kaya kung may nararamdaman ipaalam sa ka-buddy o kasama na siyang tatawag ng tulong sa Health Service habang pinapahintulutan din na magpahinga sakaling may naramdamang masama kapag naka-duty.
EUNICE CELARIO