SADYANG nakapag-uudyok ng galit ang muling pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard.
Trending sa bawat news program, telebisyon o radio at maging sa social media at print ang hindi mabilang na agresibong pambu-bully ng China sa mga sundalong Pinoy na nasa resupply mission
Ang pag-water cannon ng CCG sa dalawang water vessel sa Panatag Shoal na nasa exclusive economic zone ng Pilipinas at kasagsagan ng Balikatan Exercise ay pagpapakita na handa silang makipaggiyera.
Nais ding ipakita ng China sa foreign observers na nakahanda sila kaya isinagawa ang provocations.
Ang April 30 water cannon incident ng CCG sa PCG ay kumuha ng simpatiya para sa Pilipinas.
Inilarawan din ito bilang labanan nina David at Goliath subalit mistulang kahabag-habag ang Pilipinas.
Asam na lamang ang suporta ng maraming bansa upang maliwanagan ang China at lumaban nang patas kaugnay naman sa agawan ng teritoryo sa isla na sakop ng West Philippine Sea.