PLANO ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng Water Catchment Dam na makatutulong sa mga magsasaka sa panahon ng tagtuyot o El Niño sa Cordillera Region.
Ayon kay Cameroon Odsey, Regional Executive Director ng DA-Cordillera, makakayanan ng Water Catchment Dam ang mag-imbak ng tubig mula sa ulan at ito ay magiging reserba ng mga magsasaka na kanilang magagamit sa panahon ng pagtatanim.
Nabatid na nais ng DA na magpagawa ng Water Catchment Dam sa lalawigan ng Benguet at Mountain Province matapos ang pagtatayo ng Solar Powered Irrigation System sa Abra, Kalinga, Ifugao at Apayao.
Handa namang makipag-ugnayan ang DA-Cordillera sa mga lokal na pamahalaan para malaman kung saan ang angkop na lugar para sa mga itatayong Water Catchment Dam sa naturang rehiyon. BENEDICT ABAYGAR, JR.