PANANAGUTIN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pamunuan ng isang water concessionaire sa isla ng Boracay matapos na madiskubreng nagpapalabas ito ng maruming tubig sa ilalim ng dagat.
Lumabas sa isinagawang inspeksiyon ng DENR na may mataas na coliform level ang tubig na lumalabas mula sa outfall ng Sewage Treatment Plant (STP) ng Boracay Tubi System sa Bolabog beach.
Natuklasan din sa pagsisiyasat ng ahensiya na hindi ligtas sa tao ang tubig-dagat kung saan naroon ang malaking tubo ng nasa-bing water concessionaire.
Bunsod nito ay ipatatawag ng DENR ang mga opisyal ng naturang water concessionaire habang handa ring ipatigil ng ahensiya ang operasyon ng STP ng Boracay Tubi System at maaaring patawan ito ng karampatang multa. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.