WATER CRISIS MALULUTAS NA

water crisis

INAASAHANG sa loob ng dalawang taon ay tuluyan nang masosolusyunan ng administrasyong Duterte ang problema sa tubig.

Ito ay makaraang aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Wawa Bulk Water Supply Project, Wawa JVCo na joint venture sa pagitan ng Prime Infra ni businessman Enrique Razon at ng San Lorenzo Ruiz Builders Group (SLRB) ni Oscar Violago na magbibigay ng sapat na supply ng tubig kung saan kaya nitong  mag-deliver ng hanggang 80 million li­ters kada araw sa taong 2021.

Ayon kay Razon, kapag nagbigay na ng ‘go signal’ ang MWSS ay agad nilang ipatutupad ang nasabing proyekto na tutugon sa problema sa tubig sa loob ng dalawang taon para sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water.

“We thank the decisive leadership of MWSS for the approval of the project, and assure them of our commitment to help in solving the current water crisis,” ani Razon, chairman ng Prime Infra.

“Our project is one of the fastest and most sustainable ways to solve this current water crisis.  If we don’t act now, this will be a recurring problem,” dagdag pa niya.

Nabatid na tututukan ng proyekto ang Wawa dam sa Rizal province na pagkukunan ng tubig bilang karagdagang supply sa concession areas ng Manila Water na inaasahang magbigigay ng 500 million liters kada araw sa taong 2025.

Dahil dito, tataas ang supply ng tubig ng Manila Water ng hanggang 30 percent.

Matatandaan na ang Wawa dam ang primary water source ng Metro Manila bago pa naitayo ang Angat dam.

Napag-alaman pa na ang Razon-led venture ay nakahandang mag-invest ng hanggang P20 billion para sa naturang proyekto upang masiguro ang water supply security sa loob ng mahabang panahon.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si SLRB President & CEO Anthony Jude C. Violago sa MWSS, Manila Water at kay Razon sa pagsusulong ng ‘win-win formula’ sa nabimbing proyekto na 20 taon nang tinatrabaho at nga­yon lang maipatutupad.      VICKY CERVALES

Comments are closed.