ILANG barangay sa Quezon City na sinusuplayan ng Maynilad Water Services ang makakaranas ngnterruption ngayong Linggo.
Ayon sa private water company, nagsimula ito kagabi, o Lunes ng gabi bilang bahagi pa ng regular na maintenance activities upang mapanatili sa maayos na kundisyon ang kabuuang distribution system.
Kabilang sa inaasahang maapektuhan ay ang Brgy. Doña Josefa na nagsimul alas-10 kagabi hanggang alas-6 ng umaga ngayong araw, February 6
May nakaiskedyul ding water interruption sa mga barangay ng Sta. Monica, Nagkaisang Nayon, at maging sa Nova Proper ngayong araw.
Ayon pa sa Maynilad, karamihan sa maintenance activities nito ay isasagawa naman sa off-peak hours upang maibsan ang epekto sa mga customer.
Pinapayuhan din ang mga apektadong customer na mag-ipon nang sapat na tubig bago ang scheduled interruption.
Paalala pa ng Maynilad, pagbalik ng water service, hayaan munang dumaloy ang tubig nang panandalian hanggang sa luminaw ito.
PAULA ANTOLIN