ITINUTURING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isang hamon para sa muling pagsasabuhay ng Pasig River Ferry ang napakaraming water lily sa Ilog Pasig.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Col. Bong Nebrija, isa ito sa mga dahilan kung bakit nagpapatupad ng suspensiyon ng biyahe ng ferry.
Paglilinaw nito, tinitingnan nila ang kondisyon ng Ilog Pasig sa tuwing may operasyon ang naturang ferry systems.
Kung makapal aniya ang mga water lily ay sinususpinde na lamang nila ang biyahe kaysa masira ang mga ferry o ma-delay ang operasyon.
Kadalasang dumarami ang mga water lily sa Ilog Pasig tuwing huling bahagi ng taon.
Kamakalawa ay nagkaroon ng relaunching ang Pasig River Ferry System sa pangunguna ng MMDA at mga lokal na pamahalaan ng mga lungsod ng Maynila at Pasig. DWIZ882
Comments are closed.