WATER RATE HIKE PIGILIN

Gabriela Rep Emmi de Jesus

NANAWAGAN ang isang kongresista sa pamahalaan na solusyunan ang mabigat na problema ng publiko sa pagtaas ng singil sa tubig.

Ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, dapat nang kumilos ang gob­yerno para maibsan ang mabigat na pasanin ng publiko, lalo pa’t patuloy rin ang pagsipa ng ­presyo ng mga bilihin.

Ngayong buwan ng Hulyo ay balak ng Manila Water na magtaas ng P8.30/cubic meter o dagdag na P250 kada buwan sa mga kumokonsumo ng 30 cubic meters, habang ang Maynilad naman ay nakatakdang magpatupad ng P11/ cubic meter na dagdag na singil o P330 sa monthly bill ng mga kumo-konsumo ng 30 cubic meters kada buwan.

Aniya, dapat bigyang-prayoridad ng pamahalaan ang pagbibigay ng solusyon sa ganitong problema.

Hiniling din ng lady solon sa pamahalaan na isailalim na sa government regulation at ibase sa actual water rate hike ang singil sa tubig.

Kasabay nito ay pinaaalis ni De Jesus ang concession agreement na pinasok ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) mula nang ito ay maisa­pribado para matanggal na rin ang foreign currency differential adjustment (FCDA) at loan terms na siyang dahilan ng napakataas na singil sa tubig. CONDE BATAC

 

Comments are closed.