WATER RATE HIKE SA METRO DAHIL SA PAGHINA NG PISO

water meter

WALANG kinalaman ang simula ng tag-ulan sa inaasahang pagtaas ng singil sa tubig sa susunod na buwan sa Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Rey Velasco, ang dagdag-singil ay dahil sa paghina ng piso laban sa dolyar.

“It has nothing to with the rainy days, every quarter ‘yan na mayroon tayong computation…,” wika ni Velasco sa isang panayam sa radyo.

Ang tinutukoy ng opisyal ay ang foreign currency differential adjustments (FCDA) na P0.99 per cubic meter para sa Manila Water at P0.06 per cubic meter para sa Maynilad na inaprubahan ng MWSS para sa buwan ng Hulyo.

Nangangahulugan ito ng pagtaas ng P5.21 kada buwan para sa mga customer ng Manila Water na kumokonsumo ng 10 cubic meter at karagdagang P0.23 per cubic meter para sa Maynilad customers.

Ang Manila Water customers na kumokonsumo ng 20 cubic meters ay magkakaroon naman ng P11.15 pagtaas sa kanilang  water bills, habang ang  Maynilad ay may dagdag na P0.86.

Ang FCDA ay isang mekanismo para sa  foreign exchange losses o gains mula sa loans ng MWSS at private sector concessionaires para sa capital expenditures at concession fees.

Comments are closed.