WATER REFILLING STATION SA PSG COMPOUND NASUNOG

Jesus Durante

NASUNOG ang isang water refilling station sa loob ng Presidential Security Group compound sa Malacanang Park.

Ayon kay PSG commander Brig. General Jesus Durante, nagsimula ang sunog bandang alas- 8:30 ng umaga kahapon sa Escortas Water Refilling Station.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Malacanang Fire Station at naapula ang apoy bandang 9:15 ng umaga.

Nabatid na isang heat gun ang naiwang nakasaksak ng crew habang nagdidiliver ng tubig ang naging dahilan ng sunog.

“The prompt response of a concerned PSG personnel actually prevented any escalation of fire” sabi ni Durante.

Tinatayang aabot sa P3,000 ang halaga ng nasunog na ari arian at wala namang naiulat na nasugatan sa nabanggit na insidente. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.