MAY sapat na suplay ng tubig sa Metro Manila sa loob ng isang buwan na naka-lockdown ito, kasama ang iba pa sa Luzon upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Upang matiyak ang matatag na suplay ng tubig sa mga kabahayan sa Metro Manila ay dinagdagan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon nito para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) mula 42 cubic meters per second (cms) sa 46 cms.
“Sa ngayon, sa ganitong panahon na may pangamba ng COVID-19, wala tayong interruption. Kasi nga po gusto natin na kahit anong oras sana [mayroon], 24/7 po gusto natin ma-target sa ngayon,” wika ni NWRB executive director Sevillo David Jr. sa panayamsa radyo.
Ang MWSS ang ahensiya ng pamahalaan na naghahati ng tubig mula sa reservoir sa concessionaires Maynilad at Manila Water.
Mahalaga ang tubig sa nararanasang coronavirus 2019 (COVID-19) crisis sa bansa dahil kailangang panatilihin ang personal hygiene, kung saan ang paghuhugas ng kamay ay panlaban sa COVID-19.
“Steady water supply is also needed in communities for boosted cleanup and disinfection efforts, and in hospitals amid the rising number of cases and persons under investigation,” ayon pa sa NWRB.
Hanggang kahapon, ang water level sa Angat Dam, kung saan nagmumula ang halos lahat ng water supply ng Metro Manila, ay nasa 199.3 meters, mas mababa sa normal level nito na 212 meters.
Comments are closed.