WATER SUPPLY SA MWSS BABAWASAN

mwss-5

BABAWASAN ng National Water Resources Board (NWRB) ng hanggang 13%  ang dami ng tubig na nakalaan araw-araw sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) simula sa Miyerkoles.

“There will be reduction starting tomorrow to 40 cubic meters per second (cu.m/s),” wika ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr.

Aniya, ang water supply sa MWSS ay babawasan pa sa sandaling pumalo ang water level sa Angat Dam sa critical 160 meters.

Hanggang Martes ng umaga, ang water level sa Angat reservoir ay nasa 162.39 meters.

“Then to 36 cu.m/s, once we breached the 160 meter level,” ani David.

Ang adjustment ay makaaapekto sa supply ng water concessionaires Manila Water at Maynilad Water sa mga lugar na sineserbisyuhan ng mga ito.

Comments are closed.