WATER TANKER AT WATER BLADDER PINADALA SA SIARGAO

SEN-GORDON-2

INATASAN  na ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagpapadala ng maraming water tanker at water bladder para sa mga kababayan natin sa Siargo na isa sa mga lubhang sinalanta ng Bagyong Odette.

Ito’y sa kabila ng patuloy na pakikipagsapalaran ng nasabing isla matapos ang iniwang pinsala ng kalamidad.

Sa isang statement, sinabi ni PRC Chairman Richard Gordon na bago pa man pumasok ang bagyo sa Pilipinas ay puspusan na ang kanilang paghahanda para sa mga posibleng maaapektuhan nito.

Ani Gordon, sa ngayon ay ang higit na kinakailangan ng mga tao sa isla ay ang malinis na tubig dahil ang kawalan nito ay maaaring magdulot ng mas pagkalat ng iba’t ibang uri pa ng mga sakit.

Ayon pa sa PRC chair, kung hindi ito agad na mabibigyan ng kaukulang aksyon ay magmimitsa ito ng posibleng pagtaas pa ng husto ng bilang ng mga nasasawi sa lugar.