Wawa Dam, patunay ng yamang Filipino

Kilala rin ang Wawa Dam na Montalban Dam, kung saan ginawa sa ibabaw ng Marikina River sa bayan ng Rodriguez, Rizal.

Itinayo ito noong 1904, at naging operational noong 1909, sa panahon ng the American colonial era, upang magsuplay ng tubig sa Maynila.

Sa ikalawang Digmaang Pandaigdig, na­ging sentro ang Wawa Dam ng labanan sa pagitan ng  US Army XI Corps at Imperial Japanese Army Shimbu Group. Tinawag itong Battle of Wawa Dam kung saan wala naman talagang nanalo, ngunit nagpatuloy pa rin sa gulod ng Montalban-Antipolo mula March hanggang May 1945.

Wawa Dam lamang dati ang pinagkukunan ng tubig ng Maynila hanggang maitayo ang Angat Dam at inabandona ang Wawa noong 1968. Dahil sa kakula­ngan ng tubig sa Metro Manila, hiniling na buksang muli ang Wawa dam, ngunit bahagi na ito ng Pamitinan Protected Landscape.

Nito lamang July 2024, nagsimula ang PhP26.5 billion Upper Wawa Dam project sa San Rafael, Rodriguez, Rizal sa pagtutulu­ngan ng  Prime Infra at WawaJVCo contructors. Inatasan ang Department of Environment and Natural Resources na pangalagaan ang Upper Marikina River Basin Protected Landscape. Bilang bahagi ng Wawa Pumped Storage Water Project, lumikha sila ng 400-hectare artificial lake para magkaroon ng sapat na suplay ng tubig na about sa 600-megawatt.

Ngunit kung ating pakalilimiin, napakahalaga ng Wawa Dam sa literaturang Filipino. Batay sa mga kwentong nagpasalin-salin sa mga henerasyon, binabalot ang Wawa Dam ng mga kwento at superstisyon, hinggil sa mga hindi nakikitang nilalang. Hindi na ito pinaniniwalaan ng mga kabataan, ngunit napakasarap pa ring pakinggan habang ikinu­kwento.

Kahali-halina ang lime­stone walls ng Wawa Dam. Naroon ang ilog na tahimik na dumadaloy, malalaking limestone rocks, mga kweba at kahila-gilalas na tanawin na nagpapahayag ng misteryosong kapaligiran. Isa sa mga kwento rito ay si Bernardo Carpio, na ayon sa kwento ay isinilang at lumaki sa San Mateo, Rizal. Isa umano siya sa mga namuno ng rebel­yon laban sa mga Kastila. Pinangingilagan umano siya dahil sa taglay niyang kakaibang lakas, dahil ayon sa kwento, siya ay anak ni Bathala sa isang mortal.

Ngunit sa kapangyarihan ng mga shaman, inilagay si Bernardo sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang bundok. Gumamit ang mga shaman ng agimat at talisman upang siya ay patayin, ngunit hindi sila nagtagumpay. Gayunman, hindi makaalis si Bernardo sa nasabing lugar dahil pilit pinag-uumpog ng mga agimat ang mga bundok, at magiging sanhi ito ng pagguho ng buong probinsya ng Rizal.

Dumating ang mga kapanalig ni Bernardo ngunit namatay sila matapos matabunan ng bato at lupa — likha ng mga agimat ng mga shaman.

Sa ngayon, kapag lumilindol sa Montalban, sinasabi ng matatandaang marahil ay sandaling napagod si Bernardo kaya nag-umpugan ang mga bundok.

Napakagandang ta­nawin ng Wawa Dam, ngunit himutok ni Maria Luisa Macabuhay Garcia, “Visiting Wawa Dam, I realized that the Philippines is real­ly beautiful. It’s sad that the mountains are already bald and we’ve experienced a lot of soil erosion due to mi­ning.”

JAYZL VILLAFANIA NEBRE