UMUSBONG ang pag-asa na magbibigay ng estabilidad sa pagkain natin sa hinaharap.
Iyon ay dahil lumahok na ang mga batang henerasyon sa pagsasaka at pangingisda.
Nasa katandaan na ang henerasyon ngayon ng mga magsasaka at kailangan ay may mga sumunod sa kanila upang masiguro na hindi tayo mauubusan ng taga-supply ng bigas na paboritong kainin ng mga Pilipino, ganoon din ng gulay at mga isda.
Ang daan daang kabataang magsasaka o “young farmers” ay nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa na lumahok lamang sa Young Farmers Challenge (YFC) Program 2024 Kick-off.
Ang YFC Program ay isang inisyatibo ng tanggapan ni Senator Imee Marcos at pinamumunuan ng DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS).
Tunay na maraming pagsunok at hamon ang pagsasaka kaya kailangan talaga ng ayuda sa sektor na ito.
Way to go young agri-preneurs.