Wayne Martin, THE CRAZY CHEF

SI Wayne Martin po ang aking asawa na nagkataong isang chef. Actually, lagi siyang tinatawag na Crazy Chef kahit noong hindi pa kami magkakilala dahil marami siyang crazy ideas na ina-apply niya sa kanyang mga niluluto.

Limang taon siyang nanirahan sa Pilipinas bago kami nakapunta sa United States, kaya kahit paano ay nagnegosyo din siya dito gamit ang maliit na capital. At kahit paano, sa sasandaling pagnenegosyo namin sa ng Crazy Chef Restaurant sa Quezon City, nakilala naman kami.

“I have heard so much of this over the past 10 years….so funny and I make RAW, Organic & Vegan meals — over the past few years,” ani Wayne. “I have heard that broken bones, ribs out of place, organs no longer working and everything is caused by Sugars, LOL! What were the causes for thousands of years for the same issues, before processed sugars? Why ancient Chinese medicine has cures and herbal remedies for the same issues? Yet these people, seem to think it is something new and actually tend to harm people without any of the info needed to make an accurate diagnosis, which shows their lack of education. Use what you must, but be careful. Usually the pushy loud one, is the one trying to prove something and little to no knowledge. I do believe that many new illnesses are the dilemma of pesticides and growth hormones in plants & animals that are grown for food.”

Ang paniniwalang iyan ang ginawa niyang tuntungan upang kahit paano ay makaagapay sa mabilis na takbo ng buhay sa Pilipinas.

Sa totoo lang, nagsimula kami sa isang maliit na nook sa Mandaluyong – salamat sa tulong ng mga call center agents na madalas naming suki. Bale isa itong family business, kung saan katulong din namin sa pagsi-serve ang dalawa naming anak na sina Leanne at Shania. Hindi po ‘yon paglabag sa child labor law dahil wala lang kaming mapapag-iwanan. Besides, tuwing weekends lang ito, na siya na rin naming family bonding. From this small nook, nakapagsimula kami ng isang maliit na resto sa QC, hanggang sa makalipad kami papuntang Utah, USA kung saan kami naninirahan ngayon.

Matapos kaming makapagpatayo ng bahay last year sa Wyoming, ang susunod naming project ay mag-ipon upang makapagpatayo kami ng panibagong Crazy Chef sa lugar ding ito. Hopefully, maging kasing successful din ito ng business namin sa Pilipinas. Fortunately, nagmana yata sa kanya ang dalawa naming mga anak, lalo na ang bunsong si Shania. Kahit plano ng panganay naming si Leanne na maging piloto balang araw, wala namang masamang maging chef rin siya in her spare time.– KAYE NEBRE MARTIN