(ni CT SARIGUMBA)
MATINDING traffic, iyan ang kinahaharap ng bawat isa sa atin lalo na ngayong papalapit na ng papalapit ang Pasko. Marami ang magpahanggang ngayon ay naglalagi pa rin sa mall para makabili ng mga panregalo. May ilan din na mas pinipiling mag-lakad-lakad sa mall para ma-relax.
Ano mang oras ay maaaring ma-traffic tayo. Kaya naman, para ma-beat ang holiday rush, isa sa karamay natin sa kalsada ang Waze. Marami na sa atin ang gumagamit ng naturang application—hindi lamang mga nagmamaneho gayundin ang mga commuter o pasahero. Ang Waze ay ang world’s largest community-based traffic and navigation app. Ayon sa data ng Waze, lumalabas na tumaas ng sampung porsiyento (10%) ang active user nito mula Nobyembre hanggang Disyembre sa nakaraang taon. Nangangahulugan lamang ito na mas marami ang gumagamit nito ang inaasahang nasa labas o kalye sa pagsapit ng holiday.
At dahil tiyak na lalo pang darami ang mga tao sa kalye ngayong papalapit na ng papalapit ang Pasko, narito ang ilan sa mga paraang maaaring subukan nang maiwasan ang stress sa traffic:
PLANNED DRIVES
Unang-una sa kailangang gawin ay ang pagpaplano ng gagawing biyahe o pagmamaneho. Alam na nga naman nating matindi ang kahaharapin nating traffic kaya naman, makatutulong upang maiwasan ang stress kung paplanuhin ang mga lakad.
Makatutulong din kung magta-travel ng mas maaga hangga’t maaari nang maiwasang mahuli o ma-late sa pupuntahang Christmas gathering. Mas maganda na iyong maaga kang nakarating kaysa ang ma-late.
Planuhin at alamin din ang mga lugar na daraanan nang makaiwas sa traffic. Ang planned drives feature sa Waze ay makatutulong upang malaman mo kung gaano katagal ang iyong guguguling oras sa pagmamaneho patungo sa pupuntahang lugar o pagtitipon. Mabibigyan ka rin nito ng ideya kung anong oras n’yo kailangang umalis ng bahay.
USE THE RIGHT VEHICLE TYPE
Importante rin ang pagpili ng tama o swak na kalse ng sasakyang magagamit para makarating ng tama sa oras sa pupuntahang lugar.
Dahil nga naman sa traffic, may kanya-kanyang option ang bawat isa sa atin kung anong klase ng sasakyan ang maaaring gamitin. Halimbawa na lang ang private cars dahil wala itong special restrictions. Puwede rin ang taxi o kaya naman ang mga motorsiklo.
Makatutulong ang paggamit ng correct category of vehicle type upang makarating sa destinasyon sa takdang oras.
ROADSIDE ASSISTANCE
Maraming puwedeng mangyari sa daan. Kaya naman, bago ang pagbiyahe ay siguraduhing na-check ng mabuti ang sasakyang gagamitin. Tiyakin ding mayroon itong gas.
Nag-o-offer din ang Waze ng roadside assistance kung saan mai-enjoy ng user ang last minute promotions at sales mula sa mga partner establish-ments gaya ng gas station, restaurants at maging retail brands.
Maaari mo rin itong magamit upang mai-report ang real-time accidents, police traps, blocked roads at weather conditions upang matulungan din ang mga fellow Wazer na maghanap ng ibang madaraanan o ruta nang makaiwas sa problema.
SELECT ROUTES
Sabihin mang pinipili o awtomatik na pini-pickup ng Waze ang pinakamadaling ruta, mainam pa rin kung itse-check ang ilan pang posibleng maaaring daanan.
Sa ganito nga namang paraan ay maaari kang makapamili ng lugar o daang nais mong taluntunin. Maaari ka ring mag-add ng mga stopover na puwede mong i-navigate sa last-minute Christmas shopping nang hindi kina-cancel ang trip.
SHARE YOUR ETA
In case naman na may dadaluhan kang pagtitipon o Christmas party at sa tingin n’yo ay male-late kayo, maaari mo namang ipaalam sa iyong mga kaibigan, kapamilya o kaopisina na papunta ka na sa lugar sa pamamagitan ng pag-tap ng ‘Send ETA’ na nakalagay sa bottom ng Waze map. Sa pa-mamagitan din nito ay masusundan nila ang pagbiyahe mo in real-time via text o messaging apps.
VOICE DIRECTION
Isa pa sa exciting at tiyak na enjoyable ay ang Waze voice option from our very own Mimiyuuuh na maaaring subukan ngayong Christmas season. Naging possible ito sa tulong ng Lazada. Ang voice o boses nito ay available sa naturang app na may unique voice at witty directions na magtatagal lamang hanggang March 2020.
Para magamit ang Mimiyuuuh bilang new Waze voice, pumunta lang sa Settings > Voice Directions > Mimiyuuuh for Lazada.
Marami nga naman sa atin ang mas pinipili ang lumabas ng bahay kapag holiday o Christmas season kasama ang mga mahal sa buhay para magtun-go sa shopping centers, restaurants, hotels, banks, at supermarkets/groceries. Lumabas din ito sa data ng Waze, gayundin ang mga similar trends sa tuwing sasapit ang seasonal holiday.
Sa katunayan, sa pagsa-shopping pa lang, mahigit na 2 million navigations ang nagagawa bawat buwan. Tuwing weekdays, tumataas ang mga nag-mamaneho sa pagsapit ng 7am at ang peak ay mula 5pm hanggang 6pm. Sa pagdating naman ng weekends, nagsisimula ito later at 10am at peak from 2pm to 5pm. Ang highest navigations naman ay tuwing sumasapit ang Valentine’s Day, Back-to-School season, at lalong-lalo na kapag Christmas.
Gumugugol nga naman ang mga driver ng average na 5 mins/km sa daan o kalye. Kaya naman sa pagbiyahe ngayong holiday, gumamit ng Waze nang maiwasan ang kahit na anong problema sa daan at makaiwas na rin sa matinding traffic. Higit sa lahat, sa pagbiyahe ay huwag na huwag ding kaliligtaan ang pagdadala ng mahabang pasensiya.
Comments are closed.