WAYS PARA MAILAYO ANG SARILI SA PAGGAMIT NG GADGET

gadget

SA panahon nga naman ngayon, hinding-hindi na talaga maihiwalay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang paggamit ng gadget. Marami sa atin ang hindi makaalis ng bahay na walang dalang cellphone, tablet o laptop. Naging karamay na nga naman natin sa pang-araw-araw na buhay ang teknolohiya.

Ngunit hindi naman porke’t nakasanayan na natin ang paggamit ng gadget, magpapakalulong na tayo rito. Kailangang maging res­ponsable pa rin tayo sa paggamit nito dahil nakasasama ito sa kalusugan lalo na kung sobra.

Kaya naman para maihiwalay o mailayo ang sarili sa gadget kahit na isang araw lang sa isang linggo, narito ang ilang tips na puwedeng subukan:

LUMABAS  AT HUWAG MAGKULONG SA BAHAY

Marami sa atin na dahil sa kahiligan sa gadget at social media, halos hindi na alonelumalabas ng bahay. Kumbaga, nasanay na sa pagkukulong sa kuwarto at paglalaro sa computer o pagtambay sa social media.

Kung tutuusin, nakaaaliw nga naman ang gadget. Nagagamit natin ito upang ma-relax tayo  at mawala ang pagkabagot.

Gayunpaman, kahit na isang araw lang ay iwasan ang paggamit ng gadget. Hindi lamang nakakulong sa kuwarto at gadget ang buhay.

Siyempre, dapat din nating makita at masilayan ang totoong mundo at hindi lamang ang mundo sa loob ng cellphone, tablet o computer.

Isa sa mainam gawin ay ang paglalakad-lakad kasama ang mga kaibigan at pakikipagkuwentuhan sa mga ito. Puwede kayong mag-hiking o camping.

MAG-EHERSISYO O MAG-YOGA

YOGAIsa pa sa paraan upang mailayo ang sarili sa social media ay sa pamamagitan ng pag-eehersisyo o pagyo-yoga.

Nakapagpapa-relax nga naman sa kabuuan ang pagyo-yoga. Samantalang ang pag-eehersisyo naman ay nakapagpapalakas ng katawan.

Bukod nga naman sa naging fit at healthy kayo kung mag-eehersisyo, maidi-disconnect pa ninyo ang inyong sarili sa teknolohiya.

KAHILIGAN ANG PAGBABASA NG LIBRO

Kung mayroon mang isa pang paraan upang mai-disconnect ang sarili sa Pagbabasatechnology, iyan ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro.

Oo, marami sa atin ang hindi gaanong nahilig sa pagbabasa ng libro.

Kapag pinapili nga naman kung social media, computer games o pagbabasa ng libro, malinaw na ang social media at games ang pipiliin.

Malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng mga libro upang malinang ang kaalaman ng marami.

Sa pamamagitan nga naman ng pagbabasa, nadaragdagan ang ating kaalaman at nakapag-iisip tayo ng mabilis. At habang dumarami rin ang iyong kaalaman, mas nagkakaroon din tayo ng tiwala sa ating mga sarili.

Kaya naman, mag-disconnect na sa social media kahit isang beses sa isang linggo at magbasa. Bukod sa natututo ka na, mai-entertain ka pa.

KUMAIN O MAMASYAL KASAMA ANG PAMILYA

Aminado naman tayong sa dami ng mga kailangan nating tapusin o obligasyong familydapat gampanan ay nawawalan na tayo ng panahon at oras sa ating pamilya, maging sa ­ating sarili. Puro trabaho nga naman ang iniisip natin. At madalas pa, kapag tapos na tayong magtrabaho ay wala naman tayong ina­atupag kundi ang cellphone natin o gadget. Minsan nga, kumakain tayo sa labas kasama ang pamilya, pero hindi naman nag-uusap dahil abalang-abala sa katititig sa kanya-kanyang cellphone o gadget. Ang ganitong gawi ay hindi rin maganda o makatutulong dahil wala namang interaction sa pagitan ng miyembro ng pamilya. Oo magkakasama nga kayong kumain pero hindi naman nag-uusap.

Kaya naman, isang paraan para mailayo sa gadget ang sarili, lumabas kasama ang pamilya at iwasan muna ang paggamit ng gadget. Kumbaga, kung kakain sa labas ay iwasan ang paglalabas ng gadget at itago na muna ito sa bag. Matuto ring makipag-usap at makipagkuwentuhan sa pamilya.

Kinahihiligan nga naman ng marami sa atin ang teknolohiya. Gayunpaman, gamitin natin ito ng tama nang hindi makasama sa atin. Dahil ang sobrang paggamit ng gadget ay may masamang epekto. CT SARIGUMBA

Comments are closed.