DAMANG-DAMA na natin ang malamig na panahon. May mga araw na nagsisipagpatakan na ang ulan. Palatandaang, tag-ulan na nga naman.
At kapag tag-ulan, hindi maiiwasang tamarin tayong magtrabaho. Kasabay nga naman ng maulang paligid ang kawalan ng ga-nang gumalaw-galaw.
Nang maiwasan ang katamarang magtrabaho ngayong malamig ang panahon, narito ang ilang simpleng paraan na maaari nating subukan:
PUMILI NG TRABAHONG NAKAPAGPAPASAYA SA IYO
Hindi lang naman kapag tag-ulan tayo sinasalakay ng katamaran kundi sa kahit na anong panahon. Para maiwasan ang katama-rang magtrabaho o ang kawalan ng ganang magkikilos, isa sa dapat nating tandaan ay ang pagpili ng trabahong nais natin at naka-pagdudulot sa atin ng kaligayahan.
Kaya ang unang-unang tip, huwag basta-basta papasok sa isang trabaho kung wala naman doon ang puso mo. Oo, puwedeng pumapasok o nag-aaplay tayo sa isang kompanya para lang maging stepping stone sa talagang gusto nating trabaho. Puwede rin namang para magkaroon tayo ng experience. Gayunpaman, tandaan na ang susi para sa magandang at masayang pagtatrabaho ay kung mahal mo ang iyong ginagawa.
TANGGALIN ANG KALAT SA LAMESA
Maraming dahilan kung bakit tayo tinatamad kung minsang magtrabaho lalo na kapag maulan ang paligid. Gayunpaman, may mga simpleng paraan din namang maaari nating subukan. Gaya na lang ng pagtatanggal ng kalat sa ating lamesa.
Malaki ang maitutulong upang ganahang magtrabaho kung maayos at malinis ang lugar na ating ginagalawan o pinagtatrabahuan dahil maiiwasan nito ang distractions.
Kapag maayos din ang iyong table o opisina, mas gaganahan kang magtrabaho. Bukod pa roon, mas inspiring at nakadaragdag ng pagiging productive ang malinis at maaliwalas na workspace.
GUMAMIT NG COLORFUL DESK ACCESSORIES
Sa panahon ngayon, marami nang mga magagandang office supply na magagamit natin sa pagpapaganda ng ating opisina o lamesa. May ilan nga nakatutuwa ang mga design na kapag nakita mo ay nakapagdudulot din ng magandang pakiramdam.
Kaya para maiwasan ang katamarang magtrabaho at para lalong maging creative, i-upgrade ang mga gamit sa opisina. Halimba-wa na lang ay ang mouse pad, mas maganda kung may design ang bibilhin mo.
Puwede ka rin namang bumili ng decorative push pin o makukulay at cute na sticky note. Maganda rin kung colorful ang mga pen mo.
Isa nga naman sa hindi puwedeng mawala sa ating lamesa ang ballpen, lapis, highlighter at pentel pen. At para magkakulay at buhay ang iyong lamesa, maaari kang bumili o maghanap ng colorful mug o colorful pen holder.
Maglagay rin ng tray sa table nang maging organisado ang mga gamit at maiwasan ang makalat na puwesto.
Isang paraan din ang paggamit ng file folders na may iba’t ibang kulay at design upang magkaroon ng kulay at buhay ang iyong opisina o desk. Napakadali lang din nitong hanapin at affordable pa.
BUMILI NG COLORFUL MUG
Kapag tinatamad-tamad tayong magtrabaho, isa kaagad sa nais nating inumin ang mainit na kape. Hindi nga naman nawawala ang kape sa bawat isa sa atin.
At para rin lalong mabuhayan ang pakiramdam, mainam kung bibili ng colorful mug at ito ang gamitin sa opisina.
Kung maganda at colorful nga naman ang gamit nating tasa sa opisina, kapag nakikita natin ito ay nabubuhayan ang ating loob. Mas gaganahan din tayong tapusin ng maaga ang trabahong nakaatang sa atin.
Napakaraming paraan upang maiwasan ang katamaran sa pagtatrabaho ngayong tag-ulan. Basta’t maging madiskarte lang tayo at gumawa ng mga paraan. (photos mula sa google)
Comments are closed.