(Ni CS SALUD)
MASARAP ang mamasyal sa kung saan-saan—sa loob man o labas ng bansa. Marami sa atin ang pinaghahandaan ang pagtungo sa iba’t ibang lugar at masilayan ang kagandahan nito. May ilan na todo ang ginagawang pagtitipid ma-achieve lang ang goal nilang makarating sa lugar na dinarayo ng marami.
Wala nga namang kasing sarap at kasing saya ang mamasyal. Napakarami nga naman nating puwedeng magawa sa pamamasyal. Unang-una na nga riyan ay nagagawa nating ipahinga ang ating sarili at isipan. Pangalawa, mas nagiging malapit tayo sa ating pamilya o kaibigan lalo na kung sila ang kasama nating mamasyal. Pangatlo, nakatutulong ito upang magkaroon tayo ng panibagong kaalaman at nakapag-iisip tayo ng mga magagandang ideya para sa ating nego-syo o sa kung paano natin mapagbubuti pa ang ating mga sarili. Pang-apat, gumaganda ang ating kalusugan. Nakatutu-long nga naman ang pagta-travel upang maging malusog ang kabuuan ng kahit na sino.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa kabutihang naidudulot ng pagta-travel sa bawat isa sa atin. Gayunpaman, hindi madali ang magplanong magbakasyon lalo na’t ‘di naman biro ang gagastusin sa gagawing pamamasyal.
Kaya para makatipid sa gagawing pagta-travel, narito ang ilang simpleng tips na maaaring subukan o isaalang-alang:
MAGING LOCAL TOURIST
Sino nga naman ang may sabing kailangan pa nating lumayo para lang maka-bonding ang ating mga mahal sa buhay, kaibigan o katrabaho? Puwe-deng-puwede pa rin tayong mag-enjoy kahit na malapit lang ang pupuntahan natin.
Maaari nating bisitahin ang mga tourist site sa mismong lugar na ating tinitirhan. Sa rami nga naman ng mga puwede nating dayuhin o puntahan sa Metro pa lang, tiyak na mag-e-enjoy na kayo.
Para rin maging exciting ang pagiging local tourist, importante kung magtutungo at maglalagi kayo sa lugar na bago sa inyong paningin.
SUBUKANG MAGPUNTA SA MGA PARK AT MUSEUM
Sa panahon ngayon, kakaunti na lamang ang nagtutungo sa mga park. Mas pinipili kasi ng marami na magtungo sa mga mall, coffee shop o kaya naman ang manood ng sine.
Pero mas nakatutuwa rin ang magtungo sa parke at maglakad-lakad. Bukod sa nakatutulong upang ma-relax ang ating isipan at katawan sa mga magagandang tanawing nakikita, magkakaroon pa tayo ng time o panahong makausap ang mga kasama natin—pamilya man iyan, kaibigan o katrabaho.
Maganda rin ang pagtungo sa mga museum. Bukod sa mababalikan mo ang nakaraan sa pamamagitan nang mga makikita mo sa naturang lugar, madaragdagan pa ang iyong kaalaman.
Kaya’t kung nais mong makatipid pero plano mong mag-enjoy kayo ng buong pamilya o magkakaibigan, subukan ang pagbisita sa mga park at museum.
SUBUKAN ANG PUBLIC TRANSPORT
Mas ma-e-enjoy rin natin ang pamamasyal kung susubukan natin ang mga pampublikong sasakyan.
May ilan sa atin na kapag mainit ang panahon, ayaw na ayaw ang makipagsiksikan sa mga pampublikong sasakyan.
Pero kailangan din nating ma-experience ang sumakay sa public transport lalo na kung mamamasyal kayo o magba-bonding ng mga taong malapit sa iyo.
Habang mas marami kayong nasusubukan ay mas nagiging kasiya-siya rin ang inyong pamamasyal.
MAGHANAP NG MGA DEAL O PROMO
Hindi rin naman nawawala ang mga deal o promo lalo na ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan. Marami rin kasing nagpaplano ngayong magbakasyon o ang magsaya. Kung ayaw ninyong lumayo, may mga restaurant sa panahon nga-yon o hotel na nagbibigay ng discount kaya’t mainam kung iga-grab ito.
Maraming paraan upang makatipid lalo na kung nagpaplano kayong mamasyal o mag-bonding kasama ang mga mahal sa buhay. Subukan lang ang mga nakalista sa itaas.
Mainam din kung susubok ng mga bagay na kakaiba at bago. (photos mula sa duluth.citymomsblog. indyschild.com, wanderwisdom.com)
Comments are closed.