(Ni CS SALUD)
MARAMI sa atin ang araw-araw na nagtatrabaho. Umaga pa lang ay umaalis na ng tahanan upang magtungo sa kani-kanilang pinagtatrabahuan. At sa pag-uwi sa gabi, halos pagod na pa-god na tayo’t ang gusto na lang natin ay humilata at magpahinga.
Pero kung minsan, kung kailan gusto nating magpahinga ay hindi naman natin magawa. Halimbawa na lang ay kapag daanan ng sasakyan o malapit sa kalsada ang kinatatayuan ng ating mga bahay. O kaya naman ay may mga kapitbahay tayong maiingay o mahilig magsaya.
Kunsabagay, hindi nga naman natin maiiwasang magkaroon ng maingay na kapitbahay at kapaligiran. Mahirap na rin naman kasing mamili ng lugar na tahimik sa panahon ngayon. Maging mga pribadong subdibisyon nga ay hindi pa rin maiiwasan ang in-gay. May mga nagkakantahan at kung ano-ano pa.
Mahirap magpahinga kung maingay ang ating paligid. Mahirap makapag-relax kung sa bawat pagpikit natin sa ating mga mata para magpahinga ay makaririnig tayo ng ingay—sa labas man iyan ng ating bahay nagmumula o sa loob.
Kaya naman, para makapagpahinga tayong mabuti kahit na sobrang ingay ng mga taong nakapalibot sa atin, narito ang ilang tips na maaari nating gawin:
MAGLAGAY NG CARPETS
Kapag maingay o pinanggagalingan ng ingay ang pinag-uusapan, hindi lamang iyan nagmumula sa labas ng bahay. Madalas din ay sa loob ng ating mga bahay. Sa panahon ngayon, iba-iba ang ating mga schedule. May ilan na sa umaga nagtatrabaho at ang ilan naman ay sa gabi.
At dahil diyan, iba-iba rin ang oras ng inyong pagpapahinga. At dahil hindi naman lahat ng tao ay kayang maglakad ng mahina o walang ingay, isa sa dapat nating ilagay sa ating sahig ay ang carpet.
May mga tao o kapamilya tayong kung maglakad, tila kinakaladkad ang tsinelas o sapatos. Kaya naman para hindi natin marinig ang ingay ng kanyang paglalakad o para hindi tayo maistorbo, isa sa napakagandang paraan ay ang paglalagay ng carpet.
GUMAMIT NG MGA SOFT MATERIAL
Mainam din ang paggamit ng soft materials sa ceiling, walls at maging sa floors para mabawasan ang ingay na nagmumula sa labas. At bukod nga sa carpet, isa pa ang basahan sa maaaring gamitin upang maharang ang ingay na nagmumula sa labas.
GUMAMIT NG SOUND-ABSORBING PAINT
Isa sa napakagandang paraan para mabawasan ang ingay na nagmumula sa labas ng inyong bahay o maging sa katabi ninyong kuwarto ay ang sound-absorbing paint. Yes, may mga sound-absorbing paint na ngayon na puwede nating pagpilian. Kaya sa susunod na bibili ka ng pintura, siguraduhing ang bibilhin ninyo ay nakatutulong upang ma-absorb ang excess sounds na nangga-galing sa loob man o labas ng inyong bahay.
BAGUHIN SA PAGKAKAAYOS ANG MGA KASANGKAPAN
Isa rin sa mainam gawin ay ang pagbabago o pag-a-arrange ng mga kasangkapan o kagamitan nang maibsan ang pumapasok na ingay na nagmumula sa labas ng bahay o kuwarto.
Kailangang maging matalino tayo sa pag-aayos ng mga kasangkapan.
Puwedeng ang mga malalaking bagay o gamit ay ilagay natin sa parteng pinagmumulan ng ingay nang mabawasan ito o maha-rang.
BOOKS AT BOOKCASES
Pansinin na lang natin ang lugar na maraming libro gaya na lamang ng library, hindi ba’t tahimik ang nasabing lugar? Nakatutu-long din kasi ang libro at mga lalagyan nito o patungan upang mabawasan ang ingay na nagmumula sa labas o sa katabing lugar.
Kaya suwerteng-suwerte ang mga taong mahihilig sa libro dahil sa kagandahang naidudulot nito.
Malaki nga naman ang naitutulong ng mga book at bookcases upang maharang ang ingay na nagmumula sa labas ng iyong ku-warto.
Kaya naman, maglagay na ng maraming libro sa inyong kuwarto at tiyak na makapagpapahinga kayong mabuti at hindi na kayo maiistorbo ng mga ingay mula sa sasakyan o sa nagsasaya ninyong mga kapitbahay.
MAGLAGAY NG KURTINA
Lahat naman ng bahay ay may mga kurtina. Isa rin kasi ang kurtina sa nakapagdaragdag ng ganda sa ating mga tahanan. Mara-mi na ring klase ng kurtina ang puwede nating pagpilian ngayon.
May mga kulay na rin na swak sa ating panlasa o bagay na bagay sa ating bahay. At bukod sa nakapagdaragdag ng ganda sa isang bahay at kuwarto ang kurtina, nakatutulong din ito upang mabawasan ang pagpasok ng ingay mula sa labas ng ating bahay o kuwarto.
Kurtina rin ang magandang gamitin para hindi makapasok ang alikabok at sikat ng araw sa ating mga kuwarto o bahay. Piliin lang ang kurtinang gawa sa tightly-woven fabric gaya ng embroidered brocade, velvet o kaya naman wool. Siguraduhin ding nata-takpan ang itaas, ibaba at mga gilid ng inyong bintana.
Puwede rin namang lagyan ng kurtina ang mga pintuan nang mabawasan ang pagpasok ng ingay na nagmumula sa labas.
Hindi natin kailangang gumastos pa ng mahal para lang makapagpahinga tayo ng maayos nang walang sagabal na ingay na mu-la sa labas. May mga simpleng paraan na maaari nating subukan.
Kaya kung sobrang ingay ng mga kapitbahay ninyo, puwedeng-puwede ninyong subukan ang mga nakalista sa itaas at tiyak na matutuwa kayo sa kalalabasan. (photo credits: brightnest.com, results4you.info, .acmdesignarchitects.com, irishtimes.com)
Comments are closed.