WBA TITLE NAPANATILI NI DONAIRE

DONAIRE

MATAGUMPAY na naidepensa ni Nonito Donaire, Jr. ang kanyang  WBA ‘super’ bantamweight title nang gapiin si American challenger Stephon Young sa semifinals ng World Boxing Super Series bantamweight tournament sa Lafayatte, Louisiana kahapon.

Umangat si Donaire, nagwagi  via 6th round knockout, sa 40-5 record habang bumagsak si Young sa 18-2.

Makakasagupa niya ang mananalo sa semifinals sa pagitan nina IBF champion Emmanuel Rodriguez at  WBA ‘regular’  titlist Naoya Inoue sa finals.

Tinapos ni Donaire, 36, ang laban sa Cajundome sa pamamagitan ng malakas na left hook na nagpabagsak kay Young.

Comments are closed.