WBC CHAMPION MELVIN JERUSALEM, MEXICAN FOE SA PSA FORUM

SA UNANG pagkakataon ay magkakaharap sina reigning WBC minimumweight champion Melvin Jerusalem at undefeated Mexican challenger Luis Castillo ngayong Martes sa kanilang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Si Jerusalem (22-3-0, 13 KOs) ay sasamahan ng kanyang handler na si JC Mananquil ng Sanman Promotions sa kanilang pagharap sa mga miyembro ng local media kasama si Castillo (21-0-1, 13 KOs) at ang kanyang grupo, limang araw bago ang kanilang Sept. 22 title slugfest sa Mandaluyong City College gym.

Magsisimula ang public sports program starts sa alas-10:30 ng umaga.

Bibisita rin sa session si Marife Barrera, CEO ng Blow by Blow na mag-eere sa unang world boxing championship fight na gaganapin sa bansa ngayong taon.

Naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation, ang session ay itinataguyod ng
San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ng ArenaPlus, ang nangungunang sports entertainment gateway sa bansa.

Ang Forum ay ieere rin sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 at ibinabahagi rin sa official Facebook page nito na Radyo Pilipinas 2 sports.