WBO TITLE NAPANATILI NI CASIMERO

John Riel Casimero

LOS ANGELES – Matagumpay na naidepensa ni John Riel Casimero ng Filipinas ang kanyang WBO bantamweight crown noong Sabado (US time) makaraang pabagsakin si Duke Micah ng Ghana sa third round ng kanilang title fight sa Connecticut.

Nadominahan ng 30-year-old mula sa Leyte ang katunggali sa buong laban sa pamamagitan ng punishing body blows.

Napuruhan ng left hook ni Casimero, umangat sa 30-4, na may 21 knockouts, ang Ghanian boxer sa second round.

Tinangka ni Micah na maka-survive sa third round, subalit nagpakawala ang Pinoy ng magkabilang uppercut dahilan upang tuluyang ma-knockout at ihinto ng referee ang laban.

Sa post-fight stats ay nasa 24 body shots ang napatama ni Casimero laban sa apat lamang ni Micah.

Comments are closed.