WE DID IT

PARANG katulad lang ng sikat na cartoon character na si Dora The Explorer, ang mga estudiyante sa panahon ng pandemic ay naglakbay sa ma­dawag na kagubatan, tumawid ng ilog at umakyat ng bundok, pero in the end, natapos din ang pagsubok. Kaya ngayon, pwede na na­ting sabihing “We did it!”

Yes, we did it! Ngayong araw na ito, Miyerkules, gagradweyt na ang mga Grade 6 sa pampublikong paaralan.

Mahirap, totoo yan, lalo pa at hindi naman handa ang Department of Education (DepEd) sa homeschooling na sapilitang ipinatupad dahil sa pandemya, ngunit heto, natapos ang isang taong paghihirap.

Gamit ang mali-maling modules, sablay na tablet (hindi lahat dahil walang tablet sa probinsya), at sari­ling internet connections na data lang sa cellphone kadalasan.

Yung medyo nakaaangat, nag-hire ng private tutor na siyang tumutulong sa pagsasagot ng mga modules na ibibigay, idinideliber ng barangay tuwing Lunes at kinukuha naman tuwing Biyernes, kaya nasanay na ang lahat na tuwing umaga hanggang tanghali ng Lunes ay pumipitada na ang megaphone ng in-charge sa pamamahagi. “Pwede na pong kunin ang mga modules para sa linggong ito para sa kindergarten, grade 1 hanggang grade 6 mula alas-otso ng umaga hanggang alas-diyes. Maaari po namang kuning ang para sa Grade 7 hanggang Grade 12 mula 10:00 am hanggang alas dose ng tanghali! Maraming Salamat po, at magsuot po lamang ng face mask at face shield pagpunta ninyo sa barangay. Si­guruhin din pong may isang metrong pagitan kayo sa pila.”

Ganyan din po ang maririnig kung Biyernes ng umaga, na ang pagkakaiba lamang ay araw ito ng pagsosoli ng modules.

Sa loob ng sampung buwang singkad, kahit madalas na nagkakapaluan ang mga nanay at anak na tamad mag-aral sa bahay, nalampasan ang pandemic academic year na akala natin ay hindi na matutuloy. Nahirapan ang mga estud­yante, pero nahirapan din naman ang mga teacher, in fairness, lalo na iyong mga baby boomers (retirable) na teachers na hindi sanay mag-lecture gamit ang Zoom at Google Meet. Mas gusto pa rin daw nila ang face-to-face.

E kung pwede lang ba! Besides, may mga estudyante ring hindi matuto kung hindi pinagagalitan ng teacher.

Totoo po yan. Hindi po ibig sabihing may sakit sila. Siguro lang, KSP (kulang sa pansin) sila sa bahay kaya naghahanap ng atensyon sa iskwela. Meron ding mga batang hyper-kinetic (sobrang likot), parang kiti-kiti, na hindi pwedeng nakaupo lamang sa isang tabi.

Pabor ang home schooling sa mga batang mahiyain – lalo na sa mga batang tamad maligo. Hindi naman kasi maaamoy sa computer kung amoy sunshine (amoy pawis, amoy araw) siya. Pwedeng kagigising lang, konting wisik, kahit may muta pa, pwedeng humarap sa online class. Malay ba nila kung may tapalodo ka, e hindi naman nakikita ang lower extremities

In short, tapos na ang school year 2020-2021. Nakalusot tayo. Sakaling online class pa rin sa susunod na school year, hindi na sing hirap ngayong taong ito dahil alam na natin ang gagawin. Laban lang, mga kabataang Filipino. Kayo ang pag-asa ng bayan. NV

66 thoughts on “WE DID IT”

  1. 935484 52230This will likely be a terrific internet site, may possibly you be interested in doing an interview about how you developed it? If so e-mail me! 417993

  2. 829999 818556Aw, this really is an incredibly good post. In thought I would like to put in place writing like this moreover – spending time and actual effort to create a good article but exactly what do I say I procrastinate alot through no indicates seem to get something accomplished. 646198

Comments are closed.