WEAR AND TALENT COMPETITION NG MISS EARTH 2018 SA ISABELA

MISS EARTH 2018-ISABELA

MAINIT na sinalubong ng mga opisyal sa Isabela ang 30 kandidata ng Miss Earth 2018 mula sa iba’t ibang bansa.

Pinangunahan ni Vice Governor Antonio Albano ang pagsalubong sa Cauayan airport sa mga kandidata na unang dinala sa Cauayan City hall bago sila nagtungo sa Hacienda sa San Luis para sa kanilang tree planting activity.

Ang 30 kandidata sa 2018 Miss Earth ay nasa Isabela para sa gaga­naping resorts wear at talent competition sa October 27, 2018 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mengal Festival sa Echague, Isabela.

Makaraang isagawa ang tree planting ng mga kandidata  ng Miss Earth 2018 sa Hacienda San Luis, nagtungo naman sa Provincial Capitol upang mag-courtesy call kay ­Isabela Gov. Faustino ‘’Bojie’’ Dy.

Magtutungo rin sila sa iba pang magagandang lugar sa Isabela bago ang kanilang resorts wear and talent competition sa Sabado, Oktubre 27, 2018 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mengal Festival sa Echague, ­Isabela.

Para naman sa kinatawan ng ­Filipinas para sa 2018 Miss Earth na si Silvia Celeste Cortesi, gagamitin ni-yang inspirasyon ang panalo ni Karen Ibasco sa Miss Earth 2017.     IRENE GONZALES

Comments are closed.