Wearable technology, a.k.a. “wearables,” ang kategorya ng mga electronic devices na pwedeng isoot at gamiting accessories – tulad ng mga ginagamit noon ni James Bond sa kanyang mga pelikula.
Pwede itong dekorasyon sa damit, implanted sa katawan ng user, o ginawang tattoo sa balat.
Kasama ang modern wearable technology sa malawak na spectrum ng paggamit kung saan kasama rin ang smartwatches, fitness trackers tulad ng Fitbit Charge, VR headsets, smart jewelry, web-enabled glasses at Bluetooth headsets. Binibigyan tayo ng wearable technology ng abilidad nas i-monitor ang ating fitness levels, malaman ang location sa tulong ng GPS, at agad Makita ang view messages. Higit sa lahat, kadalasan ay hands free sila at portable, kaya hindi na kailangang ibulsa. Wearable nga, di ba?
Usapang hardware naman pagdating sa wearbles, ang main components of wearable technology ay microprocessors, batteries, sensors at internet connectivity, kaya may synchronization ng ibinibigay na data sa iba pang electronics.
Ang mga nasabing components ay incorporated sa wearable technology upang ma-monitor ang physical motion ng user.
Sa mga James Bond movies, kadalasang nakakalusot ang bida sa kalaban dahil sa wearables na hindi sila familiar. Sa panahong ito, I doubt na makalusot pa ang mga gadgets ni James Bond dahil ultimong batang maliit, may electronic technology o devices na incorporated sa kanilang damit, sapatos, relos, kwintas, earings, singsing – lahat na yata ng pwedeng isoot. Ang mga wearable devices na ito gamit para sa tracking information on real time basis. Mayroon silang motion sensors na nakakakuha ng snapshots ng pang-araw-araw na aktibidades at nasi-sync sila sa kahit anong mobile devices o laptop computers.
Kayang i-track ng wearables ang mga nakikita ng user, maging ang pulso, breathing rate, gaano kahaba ang tulog ng user, at kahit pa kung okay ba ang pakiramdam o stressed out. Nagbpapayo din ang wearables ng good eating habits at mga puna sa kalusugan. Sa dami ng wearbles, mamimili ka. May wristbands, necklaces, rings at earrings hanggang sa damit. Any electronic technology o devices na pwedeng isoot, wearable technology yan.
Maraming benepisyo ang wearable teachnology sa mga estudyante, halimbawa na lang, mas mabilis nilang nasasagot ang tawag ng guro kapag may online lessons. Dahil mayreoon itong Hands-Free Convenience, kahit nagda-drive ng motorbike, walang problenma. Napagbubuti rin nito ang Student–Teacher Communication.
Dahil may camera ang mga wearables, pwedeng pwedeng mag-snapshot ng lessons at balik-balikan na lamang sa bahay kung hindi gaanong naunawaan ang lectures.
Napakaganda rin ito upang madaling matuto sa History and Languages, at mamo-monitor pa sila ng kanilang parents kaya hindi sila makakapag-truant.
Hindi lang sa mga estudyante useful ang mga wearbles. Pwede itong fitness tracker upang maging aware ang user sa kanyang mga aktibidades sa buong araw. Yung ibang wearables nga, pinapayuhan pa ang user na tumayo at maglakas.
Sa presyo? Hindi po mahal. Abot-kaya ang halaga. NLVN